Share

48 - FREEZE

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-10-05 13:24:58

Mabuti na lang at mabagal lang ang patakbo nung kasalubong nilang sasakyan. Ganun din ang motor ni Raven ay kaliliko lang, kumbaga ay hindi pa niya nabibirit na patakbuhin.

Ang katawan ni Mason ay nasalo ng hood ng kasalubong na sasakyan ngunit naalis ang helmet niya sa ulo at tumama sa salamin nh kotse.

Kung hindi pa narinig ni Ingrid ang sunod-sunod na pag-ubo ni Mason ay hindi pa sana siya mababalik sa ulirat.

“Mason!”

Bumaba ng motor niya si Ingrid at saka nilapitan si Mason. Panay pa rin ang pag-ubo nito dahil tumama ang dibdib niya at lubha itong nasaktan. Ayaw naman magpahalata ni Ingrid na natatakot at kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa bata.

“Hindi ka kasi humahawak nang maigi. Tuloy, iyan ang nangyari sa ‘yo, Mason!” pagalit ni Ingrid sa pamangkin sa kanila ng pag-aalala niya.

Pinilit maging kalmado ni Ingrid habang inaalis niya ang katawan ni Mason sa ibabaw ng hood ng kotse.

“Okay ka lang ba, Mason?”

Mahinang tumango-tango si Mason, “o-okay lang ako.”

Nakahinga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
sama talaga n Caleb binigay n nya.. ngaun binabwi.. walang kuwenta lalaki.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Not Your Wife Anymore   195 - NO CHOICE

    Dahan-dahang bumagsak ang nagulat na tingin ni Caleb sa mangkok ng lugaw sa sahig.Upang makain ito, kailangan niyang yumuko at kumain—ano ang kaibahan niya sa isang aso? Lubos na nagngitngit si Caleb. Namumula ang kanyang mga mata sa galit, naglalagablab ang kanyang tingin.“Raven! Sinadya mo ito! Ganito ka ba talaga ang galit mo sa akin?!”Ngunit sa susunod na sandali, bigla siyang natahimik. Nakita niya si Raven na ngumiti, isang mabangis na ngiti.“Ipinapasok mo si Ingrid sa Santana Technology bilang assistant ko. Kung gaano mo ako kinasusuklaman, bakit hindi kita kasuklaman din nang ganun? Quits na lang tayo.”Sa kanyang mga salita, isang malamig at walang pakialam na tawa ang kumawala sa lalamunan ni Caleb. Naghihiganti sa kanya si Raven! Pero ano ang karapatan niya?“Ikaw ang pumatay kay Coleen!”Hindi na siya pinansin ni Raven; tinamad na siyang makipagtalo sa mga walang saysay na salita ni Caleb.Binuksan niya ang pinto at nakita ang isang bodyguard na mabilis na lumapit. I

  • Not Your Wife Anymore   194 - MASUSUBUKAN ANG GALING

    Ang video na ipinost ni Raven ay isang simpleng clip na madaling magbigay ng malisyosong imahinasyon.Sa video, kalahati ng frame ay kay Raven at kalahati ay kay Caleb; nakatali ang mga kamay ng lalaki, ngunit hindi nakikita ang posas. Sinadya rin ni Raven na i-mute ang tunog sa video, kaya’t nakatuon ang mata ng manonood sa profile ni Caleb at sa lugar.Ang isang tahimik na video ay mas madaling magbigay ng mga imaheng maririnig sa imahinasyon—ang malabo niyang tingin, ang mga tunog na maaaring lumabas sa kanyang bibig—lahat ay iniiwan sa isip ng nanonood.Samantala, nagpadala si Ingrid ng mensahe kay Raven:Raven, hindi ko ginustong lumapit sa iyo, si Caleb ang nagpumilit na ipasok ako sa Santa- na Tech. Alam mong sanay akong malaya at

  • Not Your Wife Anymore   193 - ASSISTANT

    Saka lang huminto si Maddison sa kanyang paglalakad. Nilingon niya si Barbara“Pinakain ko si Dudu ng lugaw na niluto ni Mama.”Nanlaki bigla ang mga mata ni Barbara na para bang nakagawa si Maddison ng mabigat na kasalanan.“Paano mo nagawang pakainin ang apo ko ng niluto ng babaeng iyon?!”Nagkibit-balikat si Maddison. “Mahilig si Mason sa lugaw ni Mama.”Gusto sanang saktan ni Barbara si Maddison pero hindi siya makalapit sa bata dahil hinaharangan siya ng mga bodyguard ni Kyle.Sa halip, sinigawan niya ang mga bodyguard. “Bakit ninyo ako hinaharangan?! Dahil bodyguard kayo ni Elcid? Dapat nga ay tulungan ninyo akong dalhin sa akin ang walang utang na loob na batang iyan!”Sumagot ang isa sa mga bodyguard. “Sumusunod lamang kami sa utos ni Sir Kyle. Mrs. Go, pakibantayan ang inyong pananalita.”Nagngitngit si Barbara at wala siyang nagawa kundi panoorin si Maddison at Kyle na pumasok sa elevator. Agad bumalik ang matanda sa ward, binuhat si Mason, at iniharap siya nang nakadapa.“B

  • Not Your Wife Anymore   192 - ANO BA'NG ALAM MO?

    Umiling si Maddison.“Palihim kong inilagay sa thermos ang lugaw, hindi alam ni Mama.”Lumabas ang bahagyang pagkadismaya sa mga mata ni Mason. Kumuha naman si Maddison ng tissue at pinunasan ang bibig ni Mason.“Mason, kailangan mong kumain nang maayos at gumaling. Hindi kita madalas mabibisita, pero kailangan mong gumaling agad.”Ang ugnayan ng mga bata ay ganoon kasimple. Kahit pa mag-away at magsabi ng “ayaw na kita,” maaari pa rin silang magkasundo basta’t may isa na handang mag-abot ng kamay.“Uh,” sabad ni Kyle, sabay abot ng notebook kay Mason.Nangunot ang noo ni Mason sa pagtataka kaya ipinaliwanag ni Maddison ang gustong iparating ni Kyle.“Iyan ang mga notes na inihanda ni Kyle para sa iyong private lessons. Maaari mong basahin habang nagpapagaling ka. Sabi ni Kyle, masyadong madali para sa kanya ang private lessons mo. Pero dahil kailangan mo ang mga notes na ito, pinilit pa rin niyang gawin para sa iyo.”Ipinakita ni Kyle kay Mason ang makapal na sulat sa notebook.Mulin

  • Not Your Wife Anymore   191 - ANG DALAW

    Nung gabing iyon, mahimbing at malalim ang tulog ni Raven. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagmasahe ni Rainier sa kanyang mga kamay upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo at mawala ang pasa, o dahil sa naging unang hakbang niya para makapaghiganti kay Caleb, na nagbigay sa kanya ng lubos na ginhawa.Pagmulat ng kanyang mga mata, umaga na.Pagbangon, agad niyang naisip si Caleb sa katapat na apartment.Ang dating marangyang CEO, na palaging nagmamalaki. Kailangang 42.3-degree ang tubig sa kanyang paliligo—kapag lumihis ng 0.2 degrees, agad siyang nakasimangot.Isang beses lang niya isinusuot ang kanyang mga damit; kung may gusot ang kanyang suit jacket, agad siyang humihingi ng bago.Ayaw niyang makakita ng pagkaing masyadong masarsa, nagiging parang lugaw daw.Ang kanyang mga kumot at kobre kama ay pinapalitan kada dalawang araw, at bawat set ay kailangang magkakulay.Ngayon, ang mapili at maselan na lalaking ito ay nakakulong sa kanyang silid, walang tubig at walang banyo. Kinailan

  • Not Your Wife Anymore   190 - KONTRATA

    Nang nakalabas na sa apartment na inupahan ni Caleb, tamang-tama na dumating si Eris.“Okay ka lang ba, girlfriend?” tanong niya kay Raven at saka mabilis na niyakap ito. “Eris, remind lang kita na palabas lang ang relasyon natin,” sabi ni Raven habang naiipit sa mahigpit na yakap ng lalaki. Nagkatinginan naman sila Rainier at Elcid. Iisa ang nasa isip nila sa mga sandaling iyon. Iniisip nila kung isama kaya nilang ikulong si Eris kay Caleb?Humiwalay naman si Eris mula sa pagkakayakap kay Raven. “Sorry na, boyfriend o hindi, natural na mag-alala ako sa ‘yo. Ramdam mo naman siguro na gusto kita. Actually, matagal na.” Naumid ang dila ni Raven, pero nilabanan niyang kiligin sa sinabi ng lalaki. Sa halip, may dinukot siya sa kanyang bulsa at saka inabot ang isang lumang cellphone kay Rainier. Nahulog iyon mula sa bulsa ni Caleb at tumama sa sahig nang hindi namamalayan ng lalaki.“Ito ang cellphone ni Ingrid. Bago mamatay si Coleen, nag-iwan siya ng voice message para kay Ingrid na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status