Bago magdapit-hapon ay nagsiuwuan na ang limang estudyanteng lalaki. Naiwan pa si Raven at Maddison dahil nakatulog si Maddison. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Raven na kausapin si Jose. “Dean, napagdesisyunan ko po na sumali sa National Math Olympiad.”Hindi naman nagalit si Jose, tila inaasahan na niya ang desisyon na iyon ng dating estudyante. “Kung ganun, dapat na magpunta ka rito araw-araw para ma-review kita. Tutal, dati naman kitang estudyante. Hindi ka pwedeng matalo sa kumpetisyon, Raven. Ayaw kong mapahiya ako sa Olympiad ng dahil sa ‘yo!”Natuwa si Raven sa narinig. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa kaharap. “Maraming salamat, Dean.”Marahang tumango ang matanda. “Dito na kayo maghapunan ng anak mo.” “Hindi na po, Dean. Nagluto na po ako kanina sa bahay bago kami unalis ni Maddison.” “Bueno, kung ayaw mo, bahala ka.”“Titingnan ko lang po si Maddison, baka gising na. Para makauwi na po kami.” Muling tumango si Jose. Nang nakaalis na si Raven, muling dinampot n
Last Updated : 2025-09-27 Read more