“Bakit hindi ikaw ang nag-drive? Bakit kailangan mo pa ng may driver?” sunod-sunod na tanong ni Ingrid lay Eris. “Nag-hire ako ng driver. Kasi di ba, injured ako? Dahil sa…” Hindi na tinapos ni Eris ang sasabihin, at sa halip ay matamang tiningnan si Mason na agad namang nagtago sa likuran ni Caleb ng nakita niyang makahulugan siyang tiningnan ng lalaking napana niya.Nakuha ni Ingrid ang ibig iparating ni Eris at piniling manahimik na lang. Samantala, halos lahat ng mga naroroon ay interesado sa kung sino ang driver ngayon sa likod ng manibela ni Corona. “Eris, bakit hindi mo pababain ang driver mo at ng makilala naman namin,” hindi makatiis na sabi ni Ingrid. “Oo nga!” segunda ng isang lalaki malapit sa kanila, “untouchable ba ‘yang driver mo, attorney? May pagkamayabang, ha…”Bahagyang tumawa si Eris. “Natural lang naman siguro kay Luna ang magyabang.”Halos lahat ng naroroon at nakarinig sa pangalang Luna ay nanlaki ang mga mata. Ang iba naman ay nag-isip na baka namali lang
Huling Na-update : 2025-10-17 Magbasa pa