Chapter 13 – The Goodbye That Wasn’tMadaling-araw pa lang, gising na si Althea. Tahimik siyang nag-empake ng ilang damit sa maliit na bag, pilit pinipigilan ang pag-iyak. Ilang araw na niyang iniisip ‘to—at ngayong desidido na siya.Hindi na niya kaya ang pressure. Hindi na niya kaya ang mga mata ng ibang tao, ang mga chismis, at higit sa lahat, ang takot na baka si Adrian mismo ang masaktan dahil sa kanya.“Mas mabuti nang ako na lang ang lumayo,” mahina niyang bulong sa sarili.Tahimik siyang naglakad palabas ng maliit na kwarto, pero bago pa siya makarating sa gate, narinig niya ang boses na hindi niya inaasahan.“Althea?”Halos malaglag ang bag niya. Si Adrian, nakatayo sa gilid ng hagdan, naka-pajama pa, mukhang bagong gising. Pero ang tingin nito—diretso, puno ng tanong, at sakit.“Saan ka pupunta?”Napatigil si Althea, hindi makasagot. Kinuyom niya ang kamay niya sa strap ng bag, pilit pinatatag ang loob
Terakhir Diperbarui : 2025-09-11 Baca selengkapnya