Chapter 29 – Days of UsIsang linggo na ang lumipas mula nang huling gulo, at sa unang pagkakataon, parang nagiging normal na ulit ang lahat para kay Althea at Adrian. Hindi man totally tahimik sa labas—dahil siguradong may mga chismis pa ring kumakalat—pero sa loob ng mansion, parang may sariling mundo silang dalawa.At sa mundong iyon, wala nang paparazzi, walang board meetings, walang Clarisse. Sila lang.Umaga, nagising si Althea sa amoy ng kape. Pagmulat niya, nakita niya si Adrian papasok ng kwarto, may dalang tray na may pancakes, bacon, at kape.“Good morning, sleepyhead,” nakangiti nitong bati, sabay lapag ng tray sa harap niya.Napamulagat si Althea. “Adrian… ikaw nagluto nito?”“Yes,” proud na sagot niya, kahit medyo may kunot ang ilong ni Althea sa itsura ng pancake na halatang hindi perfect. “Don’t look at me like that. Masarap ‘yan. Promise.”Napatawa siya. “Ikaw talaga. Baka naman sunog ‘to.”
最終更新日 : 2025-09-25 続きを読む