Chapter 3 – Mga Lihim na TitigMaagang gumising si Althea kinabukasan, dala pa rin ang kilig at kaba sa mga nangyari kahapon. Habang nagliligpit ng mga kurtina sa sala, hindi niya napansin na dumating na si Adrian mula sa night shift sa ospital.Pagkapasok nito, agad siyang napatingin. Pagod ang itsura, bahagyang gusot ang buhok, at halatang ilang oras nang hindi natutulog. Pero sa paningin ni Althea, lalo siyang humanga—hindi lang dahil sa hitsura, kundi sa dedikasyon nitong tumulong sa mga tao.“Good morning, Sir,” bati niya, medyo mahina ang tinig.Tumango lang si Adrian at dumiretso sa sofa. Napansin ni Althea ang bigat sa katawan nito kaya agad siyang nagprisinta. “Gusto n’yo po ng kape?”Tumingin si Adrian, parang nagulat sa alok. “Please,” sagot nito, mas malumanay kaysa dati.Habang nagtitimpla siya, naririnig niya ang malalim na buntong-hininga ni Adrian. Paglapit niya, inabot niya ang tasa. Sa halip na simpleng kunin, n
Last Updated : 2025-09-11 Read more