MarianHalos masuka na rin ako sa amoy, pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakatutok pa rin ang baril na hawak ko sa ulo ng lalaking nakaupo sa harap ng lamesa. Kalahati na ang nauubos niya sa mga dagang kanina lang ay nagtatakbuhan sa loob ng sako. Ang mga ipis naman, kalat-kalat na sa sahig at sa damit niya, humahalo sa suka na kanina pa lumalabas sa bibig niya.Ang mukha niya, kulay abo na sa sobrang putla. Nanginginig ang kamay niyang sumusubo ng panibagong daga. Rinig na rinig ko ang paglutong ng mga buto habang nginunguya niya ito. Nakakadiri, pero may kakaibang tuwa akong nararamdaman. Ito ang gusto nilang gawin sa akin, 'di ba? Ngayon, siya ang nakakaranas."Bilisan mo," utos ko, mas idiniin ko pa ang dulo ng baril sa sentido niya. "Huwag mong sayangin ang oras ko.""Hindi... hindi ko na kaya," halos pabulong na niyang sagot, sabay duwal ulit ng kulay itim na likido."Kakayanin mo 'yan kung gusto mo pang mabuhay."Sa gitna ng ingay ng pag-ubo niya, may narinig akong iba. Yabag n
Last Updated : 2025-12-31 Read more