MARIANPagdating ko sa Mental Asylum, ramdam ko ang lamig kahit tirik ang araw. Amoy gamot at disinfectant agad ang sumalubong sa akin. Kailangan kong galingan. Ito na ang pagkakataon ko para makatakas sa kulungan."Dito ka muna," sabi ng isang pulis na nag-escort sa akin. "Iche-check ka ng mga doktor. Huwag kang magkakamali, preso ka pa rin."Tumango lang ako, pero sa loob-loob ko, kinakabahan ako. Paano kung mahalata nila ako?Dinala nila ako sa isang silid. Simpleng kwarto lang, may kama, mesa, at bintana na may rehas. Napansin ko agad ang CCTV sa sulok. Pinapanood nila ako.Umupo ako sa kama at nagsimula na ang aking pag-arte. Tumawa ako nang malakas, biglang iiyak, tapos magwawala na parang nasasapian."Aaaah! Layuan niyo ako! Hindi ako baliw!" sigaw ko, habang kinakalampag ang dingding. "Mga demonyo kayo!"Sinubukan kong basagin ang mesa, pero matibay ito. Nagpagulong-gulong ako sa sahig, sumisigaw at nagmamakaawa.Ilang oras din akong nagpakahirap sa pag-arte. Pagod na pagod na
Last Updated : 2025-12-21 Read more