MirandaNasa hospital pa rin ako. Araw-araw, ganito na lang ang routine ko. Gising, kain pero hindi ko kinakain yung hospital food, tapos therapy. Pero kahit anong gawin nila, hindi pa rin ako bumabalik sa dati. Hindi ko pa rin mapigilan yung cravings ko. Gusto ko pa rin ng daga."Gusto ko ng daga," sabi ko ulit."Miranda, anak, please," sabi ni Mama, halatang pagod na pagod na. "Hindi ka ba nagsasawa? Araw-araw na lang yan ang sinasabi mo. Nakakadiri na.""Pero Mama, hindi ko mapigilan," sabi ko. "Gusto ko talaga. Promise, yun na lang kakainin ko. Kahit isang malaking daga lang. Bigyan mo ako ng isa.""Hindi pwede, Miranda," sabi ni Papa, mas seryoso ang tono. "Hindi ka pwedeng kumain ng daga. Hindi yan pagkain. Kailangan mong magpagaling. Kailangan mong bumalik sa dati. Gusto mo bang tuluyan ipasok sa mental? Gusto mo bang pagtawan nila tayo?""Pero Papa, hindi ko kaya," sabi ko. "Hindi ko kayang pigilan. Parang may bumubulong sa akin na daga lang ang makakapagpasaya sa akin.""Bali
Last Updated : 2025-12-20 Read more