Miranda"Cheers!" malakas na sigaw ni Papa Billy habang itinataas ang baso niya ng mamahaling wine.Sumunod kami ni Mama Agnes, pati na rin si Luis na mukhang tuwang-tuwa habang tinitingnan ang laman ng account niya sa phone niya. Nandito kami ngayon sa loob ng isang maliit na kwarto sa gilid ng bodega kung nasaan si Audrey. Ang lamig ng aircon dito sa opisina ay kabaligtaran ng init at alikabok sa labas, pero masarap ang pakiramdam. Panalo kami."Sabi ko naman sa inyo, basta magaling ang plano, walang hindi makukuha," nakangiting pahayag ni Mama habang humihigop ng wine. "Isipin niyo, naniwala si Shane sa lie detector test. Ang talino mo talaga, Miranda.""Kailangan nating maging isang hakbang palagi sa harap nila, Ma," tugon ko sabay tingin kay Luis. "O, Luis, kamusta ang milyonaryo? Sigurado akong hindi mo pa nakikita ang ganyang karaming zero sa buong buhay mo."Napakamot sa ulo si Luis pero hindi mawala ang ngisi sa mukha. "Sobra-sobra 'to, Miranda. Salamat. Ngayon lang ako nakah
Last Updated : 2025-12-31 Read more