공유

Chapter 174

작가: London Bridge
last update 최신 업데이트: 2026-01-25 20:27:53

Naalimpungatan si Scarlett nang maramdaman na parang may kumikiliti sa leeg niya. Antok na antok pa siya, pero iminulat niya ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya si Darius. Nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya.

Mahina siyang napahagikhik nang tamaan nito ang kikiti niya roon. “Darius, inaantok pa ako,” reklamo niya. Mahina niya itong itinulak, pero ayaw paawat sa kakahalik sa kanya.

“Love, it’s past twelve. Hindi ka nag-almusal, malilipasan ka pa ng tanghalian.”

Napatingin si Scarlett sa b
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (5)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
hala miss A wag n mn po,,panibagong hagupit n nmn tu kay scarlet,,,ang malupit p nyan kung hndi o mtutuloy ang kasal.nila,,naku po,,bka aangkinin n n mn nyan ni devine,,,parang nkkinita ko na yung mga eksina
goodnovel comment avatar
Lovely-an Nance
parang may ganito ung kwento ahhh n msy nangyayari at nakalimotan din nya ung alala niya peru sa pudo nya may babaeng minahal cya ang haba ng panahon 5yrs baho bumalik ung alala ng lalaki
goodnovel comment avatar
Rechelle Franco Aniceto-Ignacio
anyari na sa kwento na to.. akala ko pa aman malapit ng matapos kz aman..... haist ewan nalang...........
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 194

    Isinandal ni Scarlett ang kanyang likod sa swivel chair sa loob ng opisina ni Darius. Hindi pa man pormal na nagsisimula ang kanyang araw, ngunit pakiramdam niya ay naubos na ni Magdalene ang lahat ng lakas sa kanyang katawan.Halos gabi-gabi niyang pilit na binubuo ang puzzle kung sino ang may pakana ng lahat. Napag-hinalaan na niya sina Devine at Alfonso, ngunit hindi niya akalain na ang poot ni Magdalene ay aabot sa ganoong karahas na antas.Nasa gitna siya ng malalim na pag-iisip nang biglang bumasag sa katahimikan ang ringtone ng kanyang cellphone. Tamad na tamad na dinampot ni Scarlett ang cellphone niya, kahit hindi tiningnan ang caller ID ay agad niya itong sinagot."Hello?" bored at pagod niyang bati."Hello, love," tugon ng isang malalim at pamilyar na boses sa kabilang linya.Tila tumigil ang pag-inog ng mundo ni Scarlett. Kasabay ng pagbilis ng pintig ng kanyang dibdib ay ang panlalamig ng kanyang mga kamay. Sandali niyang inilayo ang cellphone sa kanyang tainga, naniningk

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 193

    Kalalabas lang ni Devine ng elevator, bitbit ang biniling pagkain. Pabalik na siya sa kuwarto ni Darius nang biglang mag-vibrate ang cellphone sa loob ng kanyang handbag. Agad niya itong dinukot at napangisi nang makitang si Alfonso ang tumatawag."You haven’t responded to my texts, Devine. What's going on there?" bungad ni Alfonso. Halatang naiinip ito at hindi maitatago ang inis sa tono ng boses.Napairap si Devine habang naglalakad sa pasilyo ng ospital. "Because I'm busy with Darius, Alfonso. Hindi ba't iyon naman ang napag-usapan natin? I have to be with him every second.""And you got close to him that easily? Darius isn't the type to let anyone in, even with his condition," usisa ni Alfonso, tila hindi makapaniwala.Isang mapanlokong tawa ang pinakawalan ni Devine. Hindi niya mapigilang ipagmalaki ang kanyang tagumpay. "Darius has temporary amnesia after his chemo. I used that perfect opportunity to rewrite our history and enter his life again. At ngayon, tagumpay ako, Alfonso.

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 192

    Nakangiting pumasok si Devine sa silid ni Darius, dala ang balitang nakuha niya mula sa doktor.Umupo siya sa gilid ng kama at marahang kinuha ang librong binabasa ni Darius upang makuha ang buong atensyon nito. Yumuko siya at mabilis na ninakawan ng isang maikling halik sa mga labi si Darius bago ito nginitian nang matamis. Ngunit sa kabila ng lambing ni Devine, nanatiling seryoso at walang emosyon ang mukha ni Darius. "Nakausap ko na ang doktor mo, babe. Pwede ka na raw mamasyal ngayong linggo," excited na sambit ni Devine. Inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib ni Darius, ipinipikit ang kanyang mga mata habang ninanamnam ang sandaling iyon.Para kay Devine, ito ang langit. Noon, kahit magkatabi sila ay ramdam niya ang pag-ilang at panlalamig ni Darius sa kanya. Ngunit ngayon, dahil sa amnesia nito, nagagawa na niya ang lahat ng kanyang ninanais, ang yakapin ito nang matagal, hawakan ang mga kamay nito nang walang pag-aalinlangan, at angkinin ang bawat sandali na tila ba siya tala

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 191

    Pagpasok pa lamang nina Scarlett sa loob ng himpilan ng pulisya, agad na nakuha nila ang atensyon ng lahat. Si Mendoza ay mahigpit pa ring nakahawak sa braso ni Magdalene na ngayon ay tila lantang gulay na dahil sa takot at kahihiyan."I'm filing a case against Magdalene Aldama for Two Counts of Frustrated Múrder and Conspiracy to Commit Múrder," deklara ni Scarlett sa malamig at matigas na boses.Napatigil sa pag-type ang pulis sa lobby nang makita ang pamilyar na mukha ni Scarlett at ang nananangis na si Magdalene. Dalawang Aldama ang nasa harapan niya ngayon. Dali-dali itong tumayo, halos matumba ang kanyang silya sa pagmamadali."M-Mrs. Aldama... Ms. Magdalene..." nauutal na sambit ng pulis. "Sandali lang, tatawagin ko lang ang Hepe. Dito muna kayo sa private office."Hindi nagtagal ay lumabas ang Chief of Police, si Col. Santiago, na mabilis na nag-ayos ng kanyang uniporme nang makita ang gulo sa loob ng kanyang presinto."Mrs. Aldama, anong nangyayari rito?" takang tanong ng Kol

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 190

    Nagliliyab ang dibdib ni Scarlett habang binabaybay nila ang daan patungo sa mansyon ng mga Aldama. Nakakuyom ang kanyang mga palad at halos bumaon na ang kanyang mga kuko sa balat sa tindi ng poot.Noon pa man, alam niyang hindi siya gusto ni Magdalene para kay Tobias. Tiniis niya ang lahat ng panglalait at pangmamaliit nito noon dahil sa pagmamahal niya sa dating asawa. Pero ang pagtangkaan ang buhay niya at ang buhay ng sanggol sa sinapupunan niya? Ibang usapan na iyon. Hindi niya hahayaang palagpasin ang kademonyohang ito.Agad na binuksan ng mga guwardiya ang malaking gate nang makita ang pamilyar na sasakyang paparating. Hindi pa man lubos na nakakahinto si Greg ay mabilis nang bumaba si Scarlett at naglakad nang madiin papasok sa mansyon. Ang bawat hakbang niya ay tila nagpapayanig sa sahig."Ma'am Scarlett—""Nasaan si Magdalene?" Hindi na natapos ng kasambahay ang sasabihin nang putulin ito ni Scarlett gamit ang isang matalim na tingin."N-Naroon po sa kuwarto niya, Ma'am," m

  • Carrying My Husband's Billionaire Uncle's Child    Chapter 189

    Ang unang dinampot ni Scarlett nang magising siya kinabukasan ay ang kanyang cellphone. Umaasa siyang may kahit isang maikling mensahe na galing kay Darius, ngunit gaya ng mga nakaraang araw, blangko pa rin ang kanyang inbox. Napabuntong-hininga siya at mabilis na nag-type ng mensahe.To: DariusGood morning, my love. I hope you're doing well there. Thinking of you always. Please call me when you can. I miss you.Pagkatapos i-send ang text, nag-inat siya ng katawan. Pagbaba niya sa malawak na kusina ng villa, natigilan siya.Naroon ang kanyang Lola, kasama sina Doña Elene at Don Anton. Ang tatlo ay seryosong nagkukwentuhan habang nagkakape, pero agad na naputol ang kanilang usapan nang mapansin ang kanyang pagdating."Good morning, Scarlett iha. Maupo ka na, sabayan mo kami kumain ng almusal," malambing na aya ni Doña Elene.Nakangiting tumango si Scarlett bago bumaling ang tingin kay Don Anton, na nilapagan siya ng plato, kutsara't tinidor sa harapan niya.Kinuha niya agad ang plato

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status