Kababalik lang ni Scarlett mula sa Meridian Investment Partners. Nagreport naman siya agad kay Alfonso ng mga pinag-usapan nila ni Darius tungkol sa projects. Hindi mapigilang mapangiti ni Alfonso habang nakikinig sa mga sinasabi ni Scarlett, halatang satisfied sa task na ibinigay.Nakaupo ito sa likod ng mesa habang binubuklat ang mga kontratang isinumite ni Scarlett, ang bawat isa pirmahan ni Darius.Pagkatapos suriin, tumango si Alfonso at ngumiti. “Araw-araw mo akong pinabibilib, Scarlett. I knew I made the right call. These deals have always been tough to lock in, yet you pulled it off like it was nothing. At this rate, I’ll need to give you a bigger role. Otherwise, we’re wasting your potential.”Ngumiti pabalik si Scarlett. “Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Mr. Santibañez.”“Magkakaroon tayo ng celebratory dinner mamaya kasama ang mga project heads. Syempre, kasama ka sa listahan. At may dagdag din sa sahod mo ngayong buwan, kasama ng mga ipinangako ko.”Biglang sumagi sa isip
Last Updated : 2025-11-12 Read more