"Yes, please. Aayusin ko pag dating ko. Maraming salamat. I owe you big one." Dinig kong sinabi ni Lucien sa kanyang cellphone. Nakaharap siya sa dagat at ang malapad niyang likod ay kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong naglakad nang nakapaa. "Oo nga, uuwi nga kami ngayon. We just needed some time. I'm sorry for not telling you." Sabi pa niya at napatingin sa akin. Tumitig siya sa akin habang nakikinig sa kabilang linya. Nakapameywang siya at nag-angat ng ngiti. "Oo, pakisabi na rin kay lola," aniya tsaka binaba na ang cellphone. Naglahad siya ng braso sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at
Last Updated : 2025-12-30 Read more