LOGINMabagsik at mabangis na tumitig si Don Vitto, pansamantala na rin natigil ang palalaro niya ng chess, at paglipat niya sana sa hawak na Knight, nang matanggap ang ibinalita sa kaniya ng isa sa mga kasamahan ni Vincent. “Don, hindi namin nahabol si Alexander. May taong tumulong sa kaniya kanina kaya nakapasok siya sa ghost room. Susundan na sana namin kaya lang, sinugod kami ng lalaking hindi namin mamukhaan.”Walang kasali-salita, kinuha ni Don Vitto, ang baril na nasa tabi lang, kinasa iyon at saka pinaputukan ang lalaki. Tinamaan ito sa binti bagay para mapaluhod ito at napainda sa sakit.“Useless! Ilabas n’yo siya--- kayo ng bahala lumigpit sa tangang ‘yan!” utos nito, at saka muling binalik sa paglalaro ang atensyon.“Don, parang awa mo na! Bigyan mo ako ng pagkakataon.”“Awa? Hindi uso sa akin ang awa. Ilayo n’yo siya sa’kin!” malamig pa sa yelong utos ni Don Vitto.Kinaladkad ng mga kalalakihan ang kawawang tauhan, duguan man ito pero wala pa rin awang ilabas. Nanatili lang nam
Malalim ang iniisip ni Alexander habang nakaupo sa tabi ni Euridice sa waiting area ng Obstetrics wing. Tila sumasakal din sa kaniya ang amoy ng hospital pero nananatili siyang kalmado para maging komportable ang asawa. Bahagyang pag-vibrate ng kaniyang cellphone ang umagaw ng atensyon niya, at pagkuha niya roon para tingnan, isang mensahe mula kay Sterling ang natanggap niya na naglalaman ng floor plan ng West Wing. “Alex?” mahinang tawag ni Euridice, “May problema ba?” Bumalik ang tingin ni Alexander sa asawa, isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya, hinawakan sa kamay si Euridice, at saka pinisil nang bahagya. “May kailangan lang akong kunin sa sasakyan, love. May naiwan akong importanteng dokumento para sa business meeting mamaya,” malumanay niyang pagsisinungaling. “Dito ka lang. Huwag kang aalis hangga't hindi tinatawag ang pangalan mo ni Dr. Sandoval. Babalik ako agad.” Tumango si Euridice, bagaman may kaunting pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata. Pinanood niya ang asaw
NAGISING kinabukasan si Euridice na wala na sa kanyang tabi ang asawa hanggang sa nanuot sa kanyang pang-amoy ang halimuyak ng mabangong amoy. Pagbangon niya, bumukas ang pinto at iniluwa n’yun si Alexander, bitbit nito ang isang tray na puno ng pagkain at prutas. “Breakfast in bed?” nakangiti si Alexander nang lumapit ito sa kanya. Napalunok si Euridice, at hindi na sa pagkain ang atensyon niya kundi sa katawan ng asawa dahil naka-topless pa pala. Para bang nang-eengganyo siyang pisil-pisilin ang mga ‘yun at pagsawaang hawakan. “Halatang gutom na nga ang asawa ko.” Natauhan na lamang si Euridice dahil sa sinabi ni Alexander, hindi niya kasi namalayan, nakalapit na pala siya at malayang pinipisil ang abs ng asawa. Pili tang ngiti saka niya binawi ang kamay pero mabilis na din nahawak ni Alexander ang braso niya at mas lalong idiniin ang palad sa nagliliwanag nitong abs. “Feel it, touch it whatever you want. It’s all yours, Euridice. Kaya okay lang kahit pagnasaan mo
MAGHAPON na walang Alexander na nagpakita kay Euridice, tinawagan niya ang numero ng asawa pero laging out of reach ito at biglang hindi na niya matawagan pa dahil coverage area na. Naghalo-halo ang iniisip, hindi niya maiwasang mag-isip nang kung anu-ano lalo pa at nalaman niyang inihatid nito si Athena pauwi. Kaagad na ngumilid ang luha, pinili niyang ibaling sa ibang bagay ang isipan. Alam naman niyang hindi siya lolokohin ni Alexander at ipagpapalit sa iba.Naagaw ang kanyang atensyon dahil sa pagtunog ng cellphone niya. At isang unknown register numbered ang tumatawag, at sa pagbabasakali na si Alexander na ito at kaagad niyang sinagot.“Alex?”“Hello, pa-pasensya na. Hindi ako si, Alex.” Boses ng babae ang sumagot kaya ganun na lang ang pagkunot-noo niya. Parang pamilyar din sa kaniya ang tinig nito.“Si-sino ka? Anong kailangan mo bakit ka napatawag?”“Ah, gu-gusto ko sanang kumustahin ang anak kong si, Euridice. Nariyan ba siya? Itong numero kasing ‘to ang binigay ng asawa ko
Biglang kinabig ni Alexander ang manibela pakanan, umiit ang gulong ng sasakyan. At gaya ng inaasahan, sumunod sa kanya ang dalawang motorsiklo na sa pagkakaalam ng mga ito kasama niya si Anya. Sa isang detour, kung saan ang road construction, itinigil ni Alexander ang sasakyan para salubungin ang naka-motorsiklo. Mabilis niyang inabot ang Center Console, kung saan nakatago ang baril niyang Beretta 92FS Inox Stainless. Kinasa niya ito at humigpit ang paghawak niya sa manibela para salubungin ang sakay ng motorsiklo. Inunahan na niya ang mga ito ng pagpapaulan ng putok nang makita niyang babarilin na siya.Bumagsak ang isa sa rider, tinamaan sa balikat habang ang isa naman sa ulo ito natamaan kaya gumewang ang motorsiklo nito at diretso sa poste kaya sumabog. Akmang tatakas naman ang isang may tama sa balikat nang walang awa itong binundol ni Alexander bagay para tumilapon ang sakay n’yon at gumulong sa semento habang duguan na. Hawak ang balikat, napapadaing. Bumaba si Alexander par
TAHIMIK lang na nagmaneho si Alexander, hindi niya inihatid si Athena kahit panay pangungulit nito sa kaniya. At bago ito tumigil, pinakita na niya ang singsing na nakasuot sa kanyang daliri, katibayan na siya ay kasal na. Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Athena, tanda ng kalungkutan nito.Sa bahay ni Dark Silvestre siya tumungo, gusto niya lang bisitahin ang taong gusto niya makausap. Kaibigan ang naging turing sa kaniya ni Dark na lagi niya naman tinatanggihan. Subalit, pagdating niya sa bahay nito isang balita ang natanggap niya. Dalawang araw na palang nawawala si Dark, habang sugatan ang mga tauhan nito kasama na doon si Demon, na kasalukuyan nasa kritikal na kondisyon. At mas nakakadurog ng puso ay nakita niya kung paano naghihinagpis ang asawa ni Dark na si Anya habang yakap ang mga anak.Noon din nilapitan niya si Anya habang igting ang panga.“Leave the search to me. Alam kong konektado ang lahat ng ito, Anya. Dark isn't just a friend...he's a
![Escaping from the OBSESSED MAFIA SON [MADRIGAL SERIES 2]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






