Sa loob ng library. Tahimik na nakaupo si Alexander sa swivel chair habang nakatitig sa monitor ng CCTV. Mula sa screen ay kitang-kita niya sina, Euridice at Lex sa kusina. Kitang-kita rin niya kung paano ngumiti si Lex. Kung paano nito inaabutan ng kung anu-ano si Euridice. Kung paano nito kinukumusta ang asawa niya. At kung paano naman walang kamalay-malay si Euridice sa lahat ng iyon. Isang paglagitik ang namuo. Naputol ang hawak niyang ballpen, dahilan para napalingon si, Vincent kay Marguxx na kararating lang din. Parehong napalunok ang dalawa. “Mukhang malapit na. Delikado na ‘to,” mahinang bulong ni Marguxx sa sarili. Lumunok muna siya bago nagsalita. “Boss...” maingat niyang tawag. Hindi sumagot si Alexander. Tumayo ito, nagtiim ang bagang na nakatitig pa rin sa screen, habang nakatukod ang magbilang braso na mesa. “Boss?” Pag-uulit na sambit ni Marguxx. Makalipas ang ilang segundo… tumitig sa kanila si Alexander, at walang imik na humakbang palabas. “Where are you goin
Read more