Inicio / Mafia / Taming A Salvatore / CHAPTER 28 (Part 2): Fake Brothers

Compartir

CHAPTER 28 (Part 2): Fake Brothers

Autor: AVANITAXX
last update Fecha de publicación: 2026-06-07 08:15:17

“Ha! Ta-taken na ako—Oo, ta-taken na. May girlfriend na.” Maagap na sagot ni Marguxx na para bang dinikitan ng hitad.

Natahimik ang babae. Nagpuot at halatang nadismaya. “Ganun ba?” malungkot nitong saad.

“Oo.” Mabilis na tumango si Marguxx. “Matagal na kami.”

“Gaano katagal?”

Napaisip si Marguxx at walang pag-iisip na sumagot. “Mga... fifteen years.”

Natigilan si Vincent, at saka napaangat ng tingin.

“Fifteen years?” ulit ng babae sa medy
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 28 (Part 2): Fake Brothers

    “Ha! Ta-taken na ako—Oo, ta-taken na. May girlfriend na.” Maagap na sagot ni Marguxx na para bang dinikitan ng hitad.Natahimik ang babae. Nagpuot at halatang nadismaya. “Ganun ba?” malungkot nitong saad.“Oo.” Mabilis na tumango si Marguxx. “Matagal na kami.”“Gaano katagal?”Napaisip si Marguxx at walang pag-iisip na sumagot. “Mga... fifteen years.”Natigilan si Vincent, at saka napaangat ng tingin.“Fifteen years?” ulit ng babae sa medyo gulat na ekspresyon. "Seryoso? So, married na kayo?"“Oo. I mean---"“Teka, ilang taon ka na ba?”Doon lang natauhan si Marguxx. “Teka lang—”Biglang sumabog sa tawa si Vincent. Tahimik lang sana ito kanina pero hindi na nito napigilan ang sarili. Napatingin si Marguxx dito at sumisenyas na humihingi na ng saklolo. Pero, mariin na umiling si Vincent, habang pilit pinipigilan ang muling pagtawa.“Kuya Vincent...” singit naman ng isang alipores ni At

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 28: Fake Brothers (Part 1)

    Tahimik lamang si Euridice habang abala sa paghihiwa ng gulay sa loob ng kusina. Nakasuot siya ng simpleng oversized shirt habang naka-ponytail ang buhok dahilan para mas lumitaw ang malinis niyang mukha.Samantala, si Athena naman ay nakaupo sa ibabaw ng counter habang kumakain ng chips.“Grabe…” hindi makapaniwalang sambit nito habang iniikot ang tingin sa paligid. “Ang laki talaga ng bahay na 'to. Parang, need mo pa mag-megaphone para marinig ka lang.”Napatawa si Euridice nang mahina. “Hindi naman.”“Seryoso kaya ako.” Napailing si Athena. “At isa pa, bakit parang sobrang tahimik rito? Nasaan na pala ang boss mo?”Tahimik na natigilan si Euridice. Nasa loob lang ng library si Alexander buong araw. At mukhang hindi titigil katatanong si Athena. Pasalamat na lang din siya dahil hindi naisipang idikit ang wedding picture nila ni Alexander.Bago pa siya makasagot… May pumasok na sa kusina. Tahimik lang din na napaangat ang tingi

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 27: Jealous

    “BOSS! LAST NA 'TO! Kapag hindi mo pa nagustuhan, maglulumpasay na talaga ako!” halos maiyak nang pakiusap ni Marguxx habang nakapameywang.Gabi na bago nakabalik si Marguxx sa mansyon. Gusot-gusot na ang kaniyang buhok, may dahon pa sa balikat, at amoy suka na dahil sa kung anu-anong eksperimento niya para lang makahanap ng maalat na strawberry.Tahimik namang nakaupo si Alexander sa couch habang nakapatong ang ulo ni Euridice sa hita niya. Hinahaplos niya ang buhok ng asawa habang malamig na nakatitig kay Marguxx.“Anong kadramahan pinagsasabi mo Cartel?” seryosong sabi ni Alexander sa last name ni Marguxx.Napapikit si Marguxx. “Ginawa ko na lahat, Boss. Pero sa dinami-dami na pwede mo itawag sa akin, Cartel pa. Marguxx na lang.”“Shut up.”Agad nanahimik si Marguxx.Kinuha ni Alexander ang strawberry at mabagal iyong kinagat. Nanahimik ang buong sala. Kahit si Euridice ay napatingin na rin sa kaniya.Ma

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 26: CONTINUATION

    Mabilis siyang tumayo, binuksan ang pinto at kinuha ang kaniyang assault rifle mula sa loob ng dashboard. Handa na siyang makipagputukan muli. Kinasa niya ang baril, at tumago sa likod ng pinto habang asintado ang kaniyang tingin sa dumarating na sasakyan. Ramdam niya ang kaba na dumadaloy sa kaniyang mga ugat. Handa na siyang pasabugin ang gulong nito sa oras na pumasok ito sa kaniyang kill zone.“Subukan n'yo lang lumapit…” madiing sabi ni Vincent habang nakapitik ang daliri sa gatilyo.Pero nang malapit na ang sasakyan, imbes na putok ng baril ang marinig niya, isang pamilyar at nakakarinding busina ang umalingawngaw. Kasunod nito ang malakas na pag-skid ng gulong at ang paghinto ng isang pamilyar na pulang sports car sa harap niya.Bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki na para bang mas galit pa sa mga assassin na kakalabanin sana niya.“Marguxx?” gulat na naibaba ni Vincent ang kaniyang rifle.“Buti naman at hindi ka pa patay!

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 26: Strawberry with salt

    Hindi maipinta ang mukha ni Alexander habang nakaupo sa dulo ng mahabang dining table. Sa harap niya ay isang plato ng hilaw na mangga na may kasamang sandamakmak na bagoong. Sa gilid naman ay isang baso ng gatas na may hinalong kape—isang pinagsama na kahit siya ay hindi maunawaan kung bakit gustong-gusto ng sikmura niya.“Boss, sigurado ka ba dyan? Mukhang sasabog ang bituka mo sa pinagsasama mo,” puna ni Marguxx habang nakasandal sa hamba ng pinto, pinipigilan pa rin ang tawa.“Shut up, Marguxx. Isa pang salita, itatapon ko sa pagmumukha mo 'tong bagoong,” banta ni Alexander, pero bago pa man niya maituloy ang pagsungit, muli siyang napaduwal.Mabilis na lumapit si Euridice at hinagod ang likod ng asawa. “Sabi ko naman sa'yo, ako dapat ang nakakaranas niyan, hindi ikaw.”“It's fine, wife. If this is the only way to ease your discomfort, then I'll take it,” seryosong sagot ni Alexander matapos uminom ng tubig. Namumutla man, ayaw pa ring magpaki

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 25: True Happiness

    Hindi mapigilang magsindi ng sigarilyo si Deputy Sterling dahil sa inis na nadarama. Hindi siya pagkakampante dahil anumang oras makalaya si Don Vitto, dahil sa lawak ng empluwensya nito. At hindi naman siya pwedeng manonood lang at hahayaan si Alexander sa kabila ng lahat. Bumakas sa mukha ang pait, sa edad na sais-syenta, sa awa ng Diyos, nasa maayos pa siya, malakas at laging handa."Deputy, madalas na yata ang panonood mo sa survilance camera. Bakit hindi mo na lang siya personal na puntahan?" Naulinigan niyang boses ni Vinn, nasa loob sila ng sasakyan sa sandaling 'yun."Hindi muna, Vinn. Hindi pa oras.""Kailan? Hintayin mo ba na maging kalaban talaga ang tingin niya sayo?""Hayaan mo siya. Masaya naman ako."Napailing-iling si Vincent. Kumuha ito ng v-fresh sabay nguya. "Deputy, payo bilang tauhan, at kaibigan din, may karapatan si Alexander na malaman kung sino ang taong kakampi niya. At tunay niyang ama---Ikaw 'yun."Binuga ni Sterling ang usok ng sigarilyo. Mababakas ang lun

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 18: The Rival Sick

    MAINGAT na nilapag ni Alexander sa ibabaw ng Overbed Table ang dinalang pagkain ni Marguxx para sa kanila ni Euridice. Isang chicken soup iyon, mainit-init pa, kasama na doon ang iba’t ibang pagkain at prutas. Ikaapat na araw na ni Euridice sa hospital at lalabas na sila ngayon para makapagpahinga n

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 16: Kidnapped

    Pagka-park ni Margux sa sasakyan ay sabay silang bumaba ni Alexander, bitbit ang kanilang mga armas. Sa bukana pa lang ng tarangkahan, nakabulagta na ang dalawang gwardya, kapansin-pasin din ang pagkatahimik ng buong paligid.Tinakbo ni Alexander ang loob ng bahay, at buong p

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 15 part 2: Death and Trust

    SA ISANG Tri-City warehouse nagpunta si Alexander. Sa mga sandaling dumaan naging malamig ang pagsimoy ng hangin na bumalot sa buong paligid. Nakatayo si Alexander, may dalawang upuan sa harap niya at sa mga upuan, nakabusal, at nakatali ang dalawang lalaki nadakip ng tauhan niya. At ang dalawa a

  • Taming A Salvatore   CHAPTER 15 part 1: Death and Trust

    Tambak na sa ibabaw ng study table ni Euridice ang mga librong may kinalaman sa Pharmacology. Nagkalat lang ang drafts niya at notes sa kagustuhan na pag-aralan ang epekto ng gamot sa tao. First year college siya noon nang huminto siya, kaya ngayon itinuloy na niya ang pag-aaral na maging doktor, at

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status