Mabagal ang pagbaba ng rampa ng barko.Walang seremonyas. Walang naghihintay na hanay ng mga sundalo. Walang tunog ng sirena o ilaw na kumikislap.Isang tao lang ang nakatayo sa dulo ng pantalan.Matangkad, payat, suot ang simpleng dark gray na amerikana at itim na damit sa ilalim. Ang buhok ay bahagyang mahaba, nakatali sa likod. Walang armas na lantad, pero malinaw sa tindig pa lang na hindi siya ordinaryong sibilyan. Ang mga mata niya ay kalmado—hindi mausisa, hindi rin takot—kundi parang sanay na sanay sa pagharap sa mga taong galing sa digmaan.Huminto ang barko.Unang bumaba si Gray, kasunod sina Rio, Sven, Collin, Theo, si Alliyah na suportado ni Rio dahil hindi pa lubusang gumagaling ang sugat sa tagiliran, si Kade at ang apat pa nilang kasamahan. Tahimik silang lahat, nakamasid sa paligid, sanay na kahit sa gitna ng syudad ay hindi nagpapabaya.Lumakad ang lalaki palapit sa kanila.“Gray,” sabi nito, malinaw ang boses. “Ako si Elias Moreno.”Hindi inabot ni Gray ang kamay niy
Terakhir Diperbarui : 2026-01-17 Baca selengkapnya