Sa bahay-ampunan na nasa dulo ng bayan, laging maaliwalas ang umaga.Hindi dahil may kampana o orasan na tumatawag sa mga bata para gumising, kundi dahil sanay na silang magising bago pa man sumilip ang araw. May mga batang umiiyak sa panaginip, may mga batang nagigising sa gutom, at may mga batang basta na lang bumabangon dahil iyon ang nakasanayan.Kasama si Liara roon.Limang taong gulang na siya.Hindi na siya sanggol na kinikarga, hindi na rin batang halos hindi makalakad. Marunong na siyang tumakbo, magsalita nang buo, at magtanong ng mga bagay na minsan ay walang gustong sumagot.Sa maliit na kama sa sulok ng kwarto, dahan-dahang bumukas ang kanyang mga mata. Ang kisame ay kulay puti, may bahid ng luma, at may maliit na bitak sa gilid—iyon na ang unang bagay na nakikita niya tuwing umaga.Hindi niya alam kung bakit, pero lagi niyang inaabot ang hangin sa tabi ng unan niya paggising.Parang may hinahanap.Parang may nawawala.“Liara, gising na?” tawag ng isang boses mula sa pint
Last Updated : 2026-01-23 Read more