Tahimik lang si Ada habang kalong si Grant, pero sa loob-loob niya ay parang may nagliliyab. Hindi dahil sa sigaw ni Sofia, kundi dahil sa pagbalik ng sakit na ilang beses na niyang kinuyom — ang malaman na wala siyang laban sa tunay na ina ng batang minahal niya nang higit sa sariling kaligayahan. Pero ngayong nakikita niya ang pamumula ng pulsuhan ni Grant, biglang may tumarak na kakaibang sakit sa kanyang dibdib. Nasasaktan siya sa nakikita. Ni langaw ay ayaw niyang dapuan ang bata. ‘Kahit buntis ako. Kahit bawal akong ma-stress. Hindi ako papayag na apak-apakan na lang.’ Humigpit ang yakap niya sa bata. “Baby, go with Rosita muna. I’ll talk to this woman first.” “Ayoko! Mommy—” “Baby, please.” Mahinahon pero mariin ang boses ni Ada. “Go with Rosita. I’ll be fine.” Nag-aatubili man pero sumunod pa rin si Grant nung makita niyang hindi na nanginginig ang tinig ng ina. Tulad ng dati, si Ada pa rin ang pinakikinggan niya. Pagkaalis ng bata, nag-iba ang ihip ng hangin s
Terakhir Diperbarui : 2025-11-24 Baca selengkapnya