Ilang minuto pa lang ay nakarating na si Grayson sa bahay niya. Mali pala, bahay nila ni Ada ng limang taon. Pagkatapos niyang i-park ang kotse, bumaba na siya. Bukas, magtatapos na ang lahat ng namamagitan sa kanilang dalawa. They're going back to being strangers but this time, with memories. Hindi niya sinasadyang mapatingin sa kabuuan ng bahay. Tahimik, madilim ang mga kwarto, at parang ang lungkot tingnan. Napahugot siya ng malalim na hininga. He suddenly felt an unexplainable emptiness. Muling dumaan sa kanyang alaala ang masigla at masayang mukha ni Ada na naghihintay tuwing uuwi siya galing trabaho. Ang ngiting sumalubong sa kanya noon na puno ng pagmamahal. Lahat ng sakripisyong ginawa ni Ada sa ngalan ng kontrata, binalewala niya ito. Inaamin niyang nanghihinayang siya at nagsisisi. Totoo pala talaga ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. He was such a jerk back then. He neglected the person who genuinely loved him despite
Last Updated : 2026-01-28 Read more