“Hindi,” matigas na sagot ni Arion.Sa ilalim ng ilaw ng poste, humaba at halos magdikit ang anino nilang dalawa habang naglalakad sa gilid ng kalsada.Tumango si Alizee, parang tanggap pero halatang hindi kumbinsido. “Kung gano’n, bakit galit na galit ka?”Huminga nang malalim si Arion, halatang naiirita. “Ayokong may mangyari sa’yo. Kapag may nangyari, ako ang matatamaan. Sa konsensya, sa pangalan ko, lahat.” Malutong ang tono niya, halatang ayaw nang ipaliwanag pa.Inikot ni Alizee ang mga mata niya, napansin ang tuwid at matigas na tindig ng lalaki. “Mr. Ramirez,” sabay palit ng tono, mas propesyonal, “napag-isipan mo na ba yong huli kong proposal?”Bigla siyang huminto.Hindi nagsalita si Arion. Bahagya niyang ibinaba ang ulo, parang may iniisip na malalim.Tahimik na naglaro si Alizee sa laylayan ng bestida niya, inayos ang bahaging umabot hanggang sakong. Nang tumingala siya, tumambad sa kanya ang madidilim na mata ni Arion na nakatitig sa kanya, diretso, seryoso, at hindi maba
最終更新日 : 2025-12-24 続きを読む