Share

26

Author: Boraine
last update Petsa ng paglalathala: 2025-12-20 17:31:33

May kakaibang lamlam ang mga mata ni Arion, yung tipong mata ng taong sanay masilayan, pero bihirang lapitan. Nakasuot siya ng itim na long-sleeved shirt na maayos na nakasuksok sa tuwid na slacks. Diretso ang tindig, pulido ang dating. Nang marinig niya ang tanong ni Alizee, bahagya lang niyang tinaas ang talukap ng mata.

“Passing by,” sagot niya, kaswal ang tono, parang totoong napadaan lang.

Napapisil si Alizee sa labi. Mahigpit ang hawak niya sa baso ng tubig, pero hindi na siya nagsalita p
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   Unashamed Love

    BLURB:Anim na taon matapos mawala sa buhay niya si April, hindi inakala ni Cristanto na muli silang magkikita sa isang simpleng supermarket sa kanilang baryo. Habang si April ay bumalik bilang bagong village official na may mga sugat mula sa nakaraan, si Cristanto naman ay nanatiling naghihintay, tahimik na itinatago ang damdaming hindi kailanman nawala.Ngunit hindi sapat ang muling pagkikita para mabuo ang isang pag-ibig na matagal nang naantala. Habang hinaharap ni April ang bagong simula sa kanyang bayan at si Cristanto ang mga pagkakataong maaari na namang mawala siya, kailangan nilang sagutin ang tanong na matagal nang nakabitin sa pagitan nila:Paano kung ang taong hinihintay mo sa loob ng maraming taon ay hindi man lang alam na mahal mo siya?CHAPTER ONEAnim na taon nang hindi muling nakita ni Cristanto si April. Sa loob ng anim na taong iyon, hindi mabilang kung ilang beses niyang inisip kung paano sila muling magkikita. Marahil sa isang masayang okasyon, sa isang reunion,

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   WAKAS

    Magkatabi lang ang bahay nina Oliven at Alizee noong bata pa sila, pero imbes na maging malapit, kabaligtaran ang nangyari, parang aso’t pusa kung magbangayan.Panahong iyon, nagsisimula pa lang umangat ang career ni Samuel, kaya halos wala na itong oras sa anak. Tuwing summer o Christmas break, madalas mag-isa lang si Alizee sa bahay. Dahil sa sobrang inip, lagi siyang pumupunta sa kabila para guluhin si Oliven, at kadalasan, nauuwi iyon sa suntukan o asaran.Sa umpisa, bwisit na bwisit si Oliven sa kaniya. Para sa kaniya, iyakin na, mahina pa makipag-away, pero hilig mang-hamon.Ilang beses na silang nagbugbugan sa bakuran. Isang beses, pagkatapos ng ilang rounds, namamaga na ang pisngi ni Alizee, magulo ang buhok, at puro gasgas ang tuhod, pero ayaw pa ring magpatalo.Tumayo siya mula sa lupa, inayos ang buhok sa noo, at galit na galit na sumigaw:“Hintayin mo ‘ko! Isusumbong kita kina Mommy at Daddy, binully mo ‘ko!”Niyakap lang ni Oliven ang dibdib niya, nakayuko nang bahagya, m

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   98

    Unang beses na nakita ni Bluei si Jieyan sa isang maulang gabi.Katatapos lang noon ng show ni Jieyan. Suot niya ang puting camisole dress na may mahabang palda, basa pa nang bahagya ang dulo dahil sa ulan. Pagod na pagod siya galing sa sunod-sunod na trabaho, pero may usapan na sila ng kaibigan niyang magkikita sa bar, kaya dumiretso pa rin siya roon.Pagpasok niya, dumiretso siya sa booth at halos walang tigil na nagsalin ng alak sa sarili niyang baso.Gusto lang niyang makalimot kahit sandali.Sa kabilang side ng counter, abala si Bluei sa pagmi-mix ng inumin. Kakatapos lang niyang gawin ang bagong cocktail niya, “Rose’s Secret Diary.” Hindi niya akalaing sa gabing iyon, siya mismo ang magkakaroon ng sarili niyang “secret diary”… ng isang lihim na pag-ibig.Napako ang tingin niya kay Jieyan.Nakaupo ito sa booth, bahagyang nakatagilid ang mukha habang tinatamaan ng dim lights ng bar. Kalahati ng mukha niya nasa anino, kalahati nasa ilaw, at sa simpleng galaw niyang pag-ayos ng buho

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   97

    “Hello po, mga tito at tita. Ako si Ripley. Three years old na ako this year… at madalas kong iniisip, bakit nga ba Ripley ang tawag sa’kin?”Kung tutuusin, hindi naman niya talaga naiintindihan ang sagot, pero hindi rin iyon mahalaga.Ang mahalaga, gutom na siya.Sa loob ng studio room, abala si Alizee sa pagdo-drawing sa tablet niya. Mahigpit ang bilin ni Arion sa anak nila na huwag istorbohin ang mommy niya habang nagtatrabaho.Pero si Ripley, bata pa lang, alam na niya, kapag pagkain ang usapan, si Mommy lang ang makakaintindi ng gusto niya.Kaya habang hindi nakatingin si Arion, palihim siyang naglakad papunta sa studio. Halos hindi pa nga niya abot ang doorknob, pero pinilit niyang buksan ang pinto.Napatingin si Alizee nang maramdaman ang presensya sa may pintuan.“Ripley? Bakit nandito ka? Hindi ba sabi ko, play with Daddy muna?”Nakatayo roon ang maliit na bata, hawak ang doorknob, nakatingala sa kaniya gamit ang malalaki at bilog na mata, puno ng luha.Pagkakita pa lang sa

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   96

    Ngumiti si Alina, pinipigilan ang halakhak sa labi.“Well… you continue,” biro niya bago tuluyang tumalikod pabalik ng kusina.Nanlaki ang mata ni Alizee. ‘Continue… ano raw?’Parang gusto na niyang lamunin ng sofa sa hiya. Agad niyang ibinaon ang mukha sa unan, pilit kinukumbinsi ang sarili na walang nangyari kanina. Kaso, lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig ulit ang boses ni Arion sa tabi niya.“Kain na.”Muffled ang boses niyang sumagot mula sa loob ng sofa. “Ayaw ko na… hindi ako gutom.”Mahinang natawa si Arion. Umupo ulit sa tabi niya, saka bahagyang yumuko para silipin siya.“Are you… shy?”Bigla siyang napabangon.“You did that on purpose, ’no?!” inis ngunit namumulang sabi niya, saka dinampot ang throw pillow at ibinato sa ulo nito.Tahimik lang na sinalo ni Arion ang unan, may ngiti pa rin sa labi.***Ayon sa naunang schedule, dumating sina Alizee at Arion sa isang sikat na photo studio na trending online para sa kanilang wedding photoshoot.Unang set pa

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   95

    Napansin ni Alizee na tulala pa rin si Arion at parang wala sa wisyo, kaya inabot niya ang leeg nito at kiniliti ang Adam’s apple niya, pilya ang ngiti, malambing ang boses.“Sinong engkanto ba ang nang-akit sa kaluluwa mo, ha?”Agad hinawakan ni Arion ang makulit niyang kamay bago pa ito makailag. Dahan-dahan niya iyong inilapit sa labi niya at hinalikan. May bahagyang kiliti na dumaloy sa palad ni Alizee, dahilan para mas lalo siyang mapangiti, iyong tipong alam niyang may epekto siya rito.Pagsapit ng alas-dose, tumunog ang hudyat ng bagong taon.Magkasabay silang umuwi sa bahay nina Alizee.Pagpasok pa lang, sinalubong na sila ng amoy ng nilulutong handa. Abala sina Samuel at Alina sa paghahanda, naghihiwa, nagmamasa, nag-aayos ng mga sangkap.Pinanood ni Alizee ang mga magulang niya, sweet pa rin, nagtutulungan, parang hindi tumatanda ang samahan.Napangiti siya. Mas lalo niyang na-realize kung gaano siya kaswerte.Samantala, umupo si Arion mag-isa sa sofa.Lumabas ng kusina si S

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   70

    Ang singaw sa banyo ay unti-unting humupa. Nakahiga si Chloe sa dibdib ni Jiro, humihingal, habang ang mga patak ng tubig ay dahan-dahang dumadaloy sa makinis niyang balat, hindi na niya alam kung pawis iyon o tubig mula sa paliguan. Marahang hinaplos ni Jiro ang likod niya, banayad at puno ng lamb

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   69

    Pagbalik nila sa silid, maingat na inalalayan ni Chloe si Jiro paupo sa gilid ng kama.“Maghahanda ako ng pampaligo mo,” mahinang sabi niya, halos pabulong, at may bahagyang panginginig sa tinig.Namumutla pa rin ang mukha ni Jiro. Tumingin siya kay Chloe at tumango. “Sige,” mahinahon niyang tugon.

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   68

    Napangiwi si Chloe sa sakit, pinipigilan ng mga kamay niya ang braso ni Carlo para hindi tuluyang bumaon ang dulo ng ballpen sa balat niya. Nang magtama ang mga mata nila ni Jiro, parang biglang huminto ang mundo. Sa gitna ng takot, ramdam niyang ligtas siya basta’t naroon ito.Bahagyang kumunot an

  • Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me   67

    Inakala ni Chloe na tungkol pa rin kay Jiro ang itatanong ng ina, pero matapos mag-isip saglit, sinagot niya ang tawag.“Mom.”“Chloe, libre ka ba mamayang hapon?” tanong ni Jienna, banayad ang boses, kalmado.Bahagyang napakunot ang noo ni Chloe. “Bakit po, may kailangan ba?”“Ganito,” paliwanag n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status