Maingat na hinawakan ni Jiro ang kamay ni Arienna na kanina pa niya nilalaro. Dinala niya iyon sa labi at marahang hinalikan, parang may paggalang at pagsuyo. Bahagyang namula ang kanyang mukha, ngunit nanatiling kalmado ang tingin.“Hindi mo kailangang gawin ’yon,” aniya, banayad ang tinig. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. “Lumabas ka muna.”Natigilan si Arienna, napansin ang tensiyon sa mukha ni Jiro. Alam niyang pinipigilan pa rin nito ang sarili, kaya nang akmang magsasalita siya, inilapat ni Jiro ang daliri sa kanyang labi.“Be good, Arienna. Lumabas ka muna.”Tahimik siyang tumango, lumabas ng banyo at marahang isinara ang pinto. Sumandal siya sa pinto, ramdam ang init ng kanyang pisngi habang dinig pa niya ang mahinang kaluskos sa loob. Paglaon, narinig niya ang isang impit na ungol, at lalo lamang siyang namula. Napayuko siya, tinitigan ang sariling mga paa, at marahang kinagat ang labi.Mayamaya, bumukas ang pinto. Lumabas si Jiro, maayos na muli ang bihis, tila naibs
Last Updated : 2025-11-11 Read more