"Anong gusto mong pag-usapan natin?" agad niyang tanong nang dalhin ko siya sa restaurant na pagmamay-ari ko.At tulad ng dati, Italian pasta ang inorder niya."Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko, habang nasa loob tayo ng kasunduan natin, ay huwag mo nang babanggitin ang yumao kong asawa. I know, sinabi ko sa'yo lahat ng mga bagay na ayaw at gusto ko noon. At tungkol sa kanya. Pero hindi naman pwede na sa lahat ng oras ay babanggitin mo siya sa harap ko.""Hindi ko siya pinapaalala. Sadyang nadadamay lang talaga siya dahil sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa atin. Like in your car. I bought that foam to use as a cover whenever I sit in your car. Kung ayaw mong babanggitin ko siya, don't ask if you care. You asked me this morning, so I answered. If you don't want me to say it, then don't ask. Dahil ginagawa ko lang ang parte ko sa kasunduan natin," seryoso niyang sagot sa akin na halos hindi siya kumurap."Ang ibig kong sabihin, I want to improve this relationship.""Huh! Im
Read more