"Happy New Year mga apo." Si lolo at inisa isa niya kaming tinignan."Happy newyear din, lolo." Halos sabay sabay naming bati dito."Mauuna na ako, lolo."kuway paalam ko kay lolo ng matapos ang halos dalawampung minuto na nanuod ng fireworks display."At bakit ka uuwi agad? Tanong ni lolo. “Ikaw na nga lang ang naiwan dito dahil nauna na ang mga pinsan mo. Aalis ka kaagad. Di sana inagahan mo ng dating at ng nakapag kwentuhan pa tayo." Paninirmon na naman niya sa akin.Napakamot ako ng ulo."May naiwan kasi akong hamster sa bahay lolo at kailangan ko ng pakainin. Baka gutom na." Pagdadahilan ko.Totoo naman. Naiwan ko doon si Vience at hindi ko alam kung gising na nga ito o tulog pa rin hanggang ngayon. Pero sure ako na gising ito dahil sa ingay ng paligid kanina. At alam ko na mag bubunganga siya pag nakita ako."Ewan ko sayong bata ka.""Lolo, hindi na ako bata.""Yeah! Pero ikaw itong hindi ko maturuan. Ang tigas ng ulo mo.""Iyan na naman tayo, lolo. Sige na. Mag-uuwi ako ng pagka
อ่านเพิ่มเติม