"Okay mama! Okay! Ganito na lang. Saka na tayo mag usap. Dahil may mahalaga pa akong aasikusahin ngayon sa pulisya. Pagkatapos kong maisarado ang kasong hinahawakan namin ngayon, ako ang dadalaw sa inyo sa bahay.""Hijo, may misyon ka naman na halos hindi pa gumagaling ang sugat mo?" naibulalas nito na mas nabahiran ng pag alala ang tinig."Mama! Look! I have no time left, mama. And for that. I really need to go to the station now. So please, mama." Lumapit na ako dito at niyakap. "Calm yourself down. And don't worry too much. Okay. Mag iingat ako para sa inyo.""Pero hijo...""Come on mama. Please. Please."Nagpakawala ito ng buntong hininga at mahigpit na yumakap sa akin. Masuyong humaplos naman ang palad ko sa likod nito."Mag iingat ka, hijo.""I will mama. I will."Ito talaga ang pinaka ayaw ko. Ang mga ganitong eksena kaya naman ayaw na ayaw kong ipaalam kina mama ang kalagayan ko sa tuwing may kaso kaming hinahawakan. Dahil ayaw kong maapektuhan ang isip ko sa pag aalala na nak
Ler mais