"Huwag mo akong gamitan ng ganyang tono, Vienn." Tinaasan ako ng boses ni Lolo kaya naman napakurap ako.Lihim na lang akong napamura at kinalma ang sarili ko para hindi ako makapagsalita ng hindi maganda sa harap ni Lolo."Lolo, she is gone. At walang nakakita sa kanya na lumabas ng A. Place.""Hayaan mo na muna siya pahupain ang galit niya sayo dahil sa pagsisinungaling mo. And why are you worried so much about her? Are you into her?""Lolo, that is out of the line. Inaalala ko lang ang pagpapakalat niya ng impormasyon sa akin.""Apo! Apo! Apo! If she really does want to expose who you are. Magagawa niya iyan noon pa sa pamamagitan ng social media."Natigilan ako. Oo nga naman. Matagal ng wala siyang ugnayan sa boss niya dahil kamakailan lang ng nagpadala ako sa kompanya ng boss niya."Apo, masyado kang mapaglaro. Inaasar mo siya at laging iniinis. At inisahan sa kaalamang ikaw si Dan Bautista. Anong inaasahan mong maging reaksyon niya na malaman na ang taong makakapagbigay sa kanya
Read more