Itinaas ko ang kamay ko ng makita kong pumasok sa pinto ng restaurant si Belle. Agad naman na lumapit ito sa akin, matalim ang tingin ngunit hindi naman nagsalita. "Relax, ms. Layco. Ang posisyon mo bilang tagapagmana ng mga Warden ay iyong iyo parin kung susunod ka lahat sa mga ipapagawa ko sayo," sabi ko sa kanya na hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. "Anong kailangan mo?" "Why not drink your coffee first, Ms. Layco. Or I should call you by your name para walang makarinig sa apelyedong binanggit ko, Belle?" "Hindi ako pumunta dito para makipagplastikan sayo, kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin, dahil hindi ako natatakot sayo kung iyan ang inaakala mo," "Haha! I like it," natutuwa akong makita ang totoong ugali nito. "Nakalagay sa impormasyon na nakalap ng tauhan ko ay hindi ito basta isang ordinaryong babae lang. Lumaki ito sa ampunan dahil itinapon na doon ng ina nito noong sangol pa lamang na napulot nga ng isang madre at kinupkop na doon at doon na lumaki. Problema pa
Read more