"Asawa ko,"Napabalikwas na naman ako ng bangon ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin, kanina ko pa naman siya napapansin na hindi mapakali sa pagkakahiga. Nakakaidlip naman ako pero mabilis na nagigising ang diwa ko kung gagalaw siya. At ngayon ay tinawag na nga niya ako kaya mabilis akong bumangon at humarap sa kanya.Sabi ng doctor ay natural na hindi siya makakatulog ng maayos, lalo na at araw na ang hihintayin namin ay manganganak na siya. Pwede pa daw na mapaaga ang kanyang panganganak kaysa sa naitakdang araw kaya nag aalala ako na baka isang gabi ay bigla na lang siyang manganak.Sa mansion na ni mama kami naglalagi ngayon, mas maraming kasama, mapapanatag ako kahit kaunti dahil may tutulong sa aking kung sakaling bigla na lang siyang manganak.Ngunit nitong mga nakaraang gabi ay madalas siyang nagigising dahil palagi daw siyang nagugutom."Bakit, baby? May masakit ba sayo? Hindi ka ba komportable?" tanong ko na masuyo pang hinaplos ang tiyan niya. "Babies, huwag niyo naming
Last Updated : 2025-11-17 Read more