Home / LGBTQ+ / Call Girl / Chapter 4

Share

Chapter 4

last update Petsa ng paglalathala: 2025-11-30 23:20:40

Alora Andrade

Nanginginig ang kanyang buong katawan habang ang kanyang mga talampakan ay tila napapako sa malamig na sahig.

"Ano na? Anong naiisip mong gawin?" tanong ni Arya.

Hindi siya makasagot dahil ano nga ba ang pwede niyang gawin? Ano ba ang pwedeng ilaban ng isang kagaya niya? Isang hamak na bayarang babae na walang papel sa lipunan. Naiiyak na umiling-iling na lang si Alora.

"Bakit hindi mo na lang tanggapin ang booking niya sa 'yo? Malay mo, huli na 'yon. Sa mga naririnig ko, mabilis naman magsawa si Ms. Zamora sa mga babaeng ikinakama niya."

Habang sinasabi iyon ay hindi nawawala ang matinding pag-aalala sa mukha ni Arya. Alam din kasi nitong hindi titigil ang naturang babae hangga't hindi nakukuha ang gusto.

Walang-walang laban sa kanya si Alora, kaya naman sobrang naaawa siya sa kaibigan.

Huminga nang malalim si Alora at ibinalik ang tingin kay Arya.

Tumango siya rito bilang pagsuko—isang senyales na agad naunawaan ng kaibigan kahit pa hindi na siya magpaliwanag. Agad na itineka ni Arya sa system ang booking sa kanya ni Zephyra.

Umalis muna si Alora para puntahan ang kanyang kapatid sa ospital.

Ito lang naman ang pwedeng paghugutan niya ng lakas ng loob para patigasin ang kanyang puso sa mga bagay na kailangan niyang gawin—maski labag sa kanyang kalooban.

Umuwi si Alora matapos magpaalam kay Arhon. Naligo siya at nagbihis, pero hindi siya nag-ayos kagaya ng kinagawian tuwing may booking siya.

Hindi rin siya nagsuot ng magandang kasuotan. Isang simpleng t-shirt at pantalon lang ang pinili niya, habang ang mahaba niyang buhok ay basta na lang ipinuyod gamit ang isang hair clamp.

Pasado alas-diyes na ng gabi nang bumalik siya sa Call Girl. Dahil bente-kuwatro oras naman itong bukas, sinadya niyang magpa-late nang husto dahil sa galit niya sa taong kakatagpuin niya ngayong gabi.

Sa kabila ng mga paalala sa kanya ni Arya na mapanganib ang naturang babae, wala siyang pakialam.

Hindi siya takot.

Hindi naman siguro nito idadamay ang kanyang kapatid. Ang kapatid lang naman niya ang nagsisilbing kahinaan niya.

Anumang masamang pwedeng mangyari kay Arhon—iyon lang ang matinding kinatatakutan niya.

Maliban doon, wala na siyang pakialam sa sarili niya. Ano pa nga bang katatakutan niya sa dami ng hirap na pinagdaanan niya sa buhay? Ano pa nga ba ang mawawala sa kanya?

"Akala ko hindi ka na sisipot," bungad sa kanya ni Arya nang magkita sila.

Paalis na ito dahil patapos na ang kanyang shift at ibang receptionist naman ang papalit. Napatitig ito sa kanya.

"Ano ba namang hitsura yan, Alora? Paano mo siya makukumbinsing tigilan ang pagpapahirap sa 'yo kung ganyan ang ayos mo?"

Napatingin din si Alora sa sarili niyang itsura. Mukha siyang basahan kumpara sa karaniwang high-end call girls doon, pero iyon nga ang mismong point niya.

Gusto niyang mawalan ng gana sa kanya ang babaeng iyon. Gusto niyang maghanap na ito ng ibang babaeng pagsasawaan sa kama dahil hindi na niya kayang sikmurain na makasama ito.

Para sa kanya, ang gabing ito na ang huli. Dapat nang matapos ang kahibangan sa kanya ng babaeng iyon.

"Okay, sige. Aalis na ako. Mag-iingat ka at huwag mo siyang gagalitin, dahil sabi nila, masama raw talaga kapag naubos ang pasensya noon."

Mapait siyang ngumiti sa kaibigan at ginantihan ito ng isang mahigpit na yakap.

Buong lakas siyang humakbang patungo sa elevator. Nang makapasok, tiningnan niya ang key card na hawak niya. Bahagya siyang nangunot nang makita kung anong floor ang nakatalaga.

Pinindot niya ang 20th floor. Doon niya nalaman na ang special o ang pinakamahal at pinaka-exclusive na penthouse suite ng hotel ang kinuha ng babaeng iyon para sa kanila.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Call Girl   Chapter 91

    Sa loob ng madilim na command center sa silong ng mansyon, ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang dambuhalang pader ng mga security monitor. Naka-lockdown ang buong estate, at lahat ng tactical team ay nasa labas, ngunit si Zephyra ay nananatiling mag-isa sa harap ng pangunahing screen. Ang camera feed ay nakatutok sa loob ng medical suite—mismo sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Alora sa ilalim ng mga puting kumot. Nakatayo si Zephyra, tuwid ang tindig at nakasuot pa rin ng kanyang itim na suit, na tila ba handa siyang sumabak sa digmaan sa bawat segundo. Ang kanyang mukha ay blangko, walang emosyon, eksaktong tulad ng ipinakita niya kay Alora kanina. Ngunit nang mapansin niyang bahagyang gumalaw si Alora sa screen at dahan-dahang namilipit ang mukha nito dahil sa sakit ng sugat sa balikat, ang matigas na baluti ni Zephyra ay tuluyan nang gumuho sa dilim. ‘I did this to you,’ ang boses sa loob ng kanyang isip ay tila ba dambuhalang saksak na dumanas sa kanyang puso.

  • Call Girl   Chapter 90

    Napatitig si Alora sa malamig na mukha ni Zephyra. Ramdam niya ang higpit ng hawak nito sa kanyang kamay, ngunit ang kawalan ng init doon ay lalong nagpadurog sa kanyang puso. Ang mga luha ay mabilis na pumatak mula sa kanyang mga mata, humahalo sa natitirang bakas ng sugat sa kanyang mukha. "Is h-hide me away your only solution, Zeph?" basag ang boses na tanong ni Alora, ang kanyang Taglish ay nanginginig sa tindi ng sakit at pagkabigo. "Do you really think na pumasok ako sa impyernong 'yun just to wake up and find out na gagawin mo akong preso rito sa sarili nating tahanan? I did that because I love you! I did that para hindi ka mamatay sa trap ni Nikolai!" Hindi natinag si Zephyra. Nanatiling blanko ang kanyang mga mata, tila isang pader na yelo na walang balak matunaw. "And look what your love did to you, Alora," Zephyra replied, her voice dropping into a dangerous, hollow whisper as she slowly let go of Alora's hand. "You almost died. He laid his hands on you because I

  • Call Girl   Chapter 89

    Bumangga ang gulong ng heavy SUV sa entrada ng main estate bago pa man tuluyang magbukas ang naglalakihang bakal na gate. Huminto ang sasakyan sa mismong emergency bay ng medical wing kung saan naghihintay na si Hellena kasama ang isang grupo ng mga siruhano at nurse na may tulak na rolling stretcher. Bumukas ang pinto ng SUV at unang bumaba si Zephyra, kalong ang walang malay at duguang katawan ni Alora. "Take her! Move!" dambuhalang sigaw ni Zephyra sa kanyang purong English na boses. Agad na inilapag ng medical staff si Alora sa stretcher at mabilis itong itinalikod patungo sa Operating Room (OR). Sumubok sumunod si Zephyra sa loob, ngunit mabilis siyang hinarangan ng nangungunang siruhano. "Boss, you cannot enter the sterile field. We need to operate now. Please." "If she dies, you die next," malamig at seryosong banta ni Zephyra bago tuluyang sumara ang pinto ng OR, iniwan siyang mag-isa sa ilalim ng maliwanag na puting ilaw ng hallway. Naiwang nakatayo si Zephyra sa l

  • Call Girl   Chapter 88

    Ang marahas na harurot ng dambuhalang SUV ay yumanig sa buong sasakyan habang mabilis nitong tinatahak ang madidilim na kalsada ng Maynila palayo sa Pier 15. Sa likod ng sasakyan, nababalutan ng pulang ilaw ng tactical emergency interior, nakaluhod si Zephyra sa sahig. Kalong-kalong niya si Alora, hawak ito nang napakahigpit na tila ba kapag lumuwag ang kapit niya ay tuluyan nang maglalaho ang kanyang asawa. "Alora, look at me. Open your eyes, love. That's an order," ang boses ni Zephyra ay gumaralgal, isang pambihirang tunog ng purong takot at desperasyon na sa buong buhay niya ay ngayon lang lumabas. Ang kanyang mga kamay ay basang-basa pa rin ng dugo habang nakadiin ang isang makapal na gauze sa balikat ni Alora upang pigilan ang walang-katapusang pag-agos nito. Nanghihinang idinilat ni Alora ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga labi ay putlang-putla, may bakas pa rin ng tuyong dugo mula sa sampal ni Nikolai, ngunit pilit pa rin siyang tumitingin sa nagwawalang mukha ng kanyan

  • Call Girl   Chapter 87

    Isang nakatutunaw at mapang-asar na ngiti ang sumilay sa gwapong mukha ni Nikolai. Sa kabila ng dulo ng baril ni Zephyra na nakatutok mismo sa kanyang noo, hindi man lang nabawasan ang kanyang lakas ng loob. Dahan-dahan niyang idinala ang kanyang bakanteng kamay sa kanyang sariling leeg, tila ba ninanamnam pa rin ang amoy ni Alora na naiwan sa kanyang balat. "You know, Zephyra... you are a very lucky woman," panimula ni Nikolai, ang kanyang baritonong boses ay mababa ngunit umaalingawngaw sa buong bodega. "I finally understand why you turned soft for her. She tastes like sweet surrender. Even when she was crying, even when she was bleeding on this dirt... she has this intoxicating innocence that makes a man want to ruin her over and over again." Nanlaki ang mga mata ni Alora sa sahig, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa matinding pandidiri at takot habang nakatitig kay Nikolai. "Shut up, Nikolai! Stop talking!" Ngunit hindi siya pinansin ng Ruso. Mas lalo pang inilapi

  • Call Girl   Chapter 86

    Habang kasalukuyang binabantayan ni Zephyra ang kanyang mga tauhan na dahan-dahang pinapasok ang unang kuta ng mga Ruso sa port area, bumasag sa katahimikan ang mabilis na vibration ng kanyang satellite phone. Nang makita ang pangalan ni Hellena, agad niyang inilagay ang telepono sa kanyang tainga. "Boss," Hellena’s voice was borderline panicked on the other end. "We have a critical situation. Alora is gone. She bypassed the security and escaped the estate." Sa isang iglap, tila tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Zephyra. Isang matinding lamig ang gumapang sa kanyang buong katawan na mabilis na napalitan ng nag-aalab na takot at pag-aalala. Ngunit sa kabila ng paninikip ng kanyang dibdib, biglang nagdugtong ang mga piraso ng puzzle sa kanyang utak. ‘That's why... that's why there's no one here,’ saob ni Zephyra sa kanyang sarili habang nakatitig sa abandonadong entrada ng pantalan kung saan wala silang dinatnang kahit isang tauhan ni Nikolai. Simula pa lang ay nagtaka

  • Call Girl   Chapter 9

    Nanlalambot Ang mga binti ni Alora na lumabas ng kotse dahil ito sa namagitan sa kanila ni Zephyra habang nasa byahe. sumilay Ang malokong ngiti sa labi ni Zephyra ng Makita sa paglakad ni Alora Ang pagka irita. basa pa ito roon kaya Hindi ito komportable. hinila niya at hinawakan sa braso si

    last updateHuling Na-update : 2026-03-17
  • Call Girl   Chapter 8

    Huminto Ang itim na sasakyan sa harap ng bahay ni Alora. Nakita niya ito sa bintana. huminga Siya ng malalim at pinilit maging matatag para sa nag iisang taong dahilan ng lahat ng ito. kung bakit niya kinakaya Ang lahat ng hirap ay para Kay Arhon. Ang tanging lalaking laman ng kanyang puso. Ang

    last updateHuling Na-update : 2026-03-17
  • Call Girl   Chapter 18

    Zephyra Zamora Katatapos lang ng appointment ni Zephyra sa isang client Ngayon Naman ay meeting Siya sa mga board. Ngayon lang naging ganito si Zephyra sa tinagal tagal niyang kilala ito. Halatang nagmamadali itong matapos Ang lahat sa buong araw lamang. "Hey." pukaw niya sa atensyun nito n

    last updateHuling Na-update : 2026-03-24
  • Call Girl   Chapter 17

    Naging malalim Ang pag iisip ni Alora habang nasa harapan niya si Zephyra. Bago sa paningin niya Ang paraan ng ikinikilos nito. Para bang mas malambot. Mas magaan. Hindi niya maunawaan. Parang ibang tao Ang nasa harapan niya. Sa mga oras na to Hindi sila natural na magkalayo ng upuan. Madalas

    last updateHuling Na-update : 2026-03-23
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status