Maya-maya, lumapit si Nina na may hawak pang kape. “Oh, careful ka r’yan, baka matapon mo ‘to sa mga important files,” aniya, sabay lapag ng tasa sa dulo ng desk ko, sadyang malapit sa gilid kung saan ako nagsusulat.Tumigil ako sa pagta-type at tumingala kay Nina. “Thanks for the warning,” malamig kong sagot.“Oh, don’t mention it,” sabay irap ni Nina habang tinakpan ng pilit na ngiti.Naririnig ko ang mahihinang tawa ng mga nasa paligid, ‘yong mga halakhak na parang pabulong, pero malinaw kong alam kung sino ang pinagtatawanan–ako. Pero sa halip na mag-react ako, marahan kong inayos ang mga papel at sinimulan kong isa-isahin ang bawat report. Kung akala nila’y mapapagod nila ako, nagkakamali sila.Habang nag-ta-type ako, lihim kong tiningnan ang reflection ni Nina sa screen ng laptop ko. Nakita kong nagulat siya nang mapansing hindi ako nagreklamo o nagpakita ng kahit anong inis.You can throw all the work at me, Nina, naisip ko, pero sa huli, ako pa rin ang mapapansin.Bitbit ko a
최신 업데이트 : 2025-10-17 더 보기