LILY'S POV “Ha? H-Hindi naman,” mabilis kong tanggi, kahit halata sa boses ko ang kaba at pagkailang. Bahagya siyang natawa. Tila ba alam niyang nagsisinungaling ako. Kinuha niya mula sa bulsa ang isang keycard at marahang swinipe iyon sa lock ng pinto. Ilang segundo lang, narinig ko ang mahinang beep at unti-unting bumukas ang pinto. “Lumapit ka,” malamig ngunit mahinahong utos niya. “O-Okay,” alanganin kong sambit habang lumalapit, pilit pinipigilan ang sarili kong magpakita ng sobrang interes. Hindi ko alam kung gusto ko bang makita kung ano ang nasa loob, o kung mas mabuti nang hindi ko na lang iyon malaman. “This…,” sabi niya habang ibinubukas nang tuluyan ang pinto, “...is my secret base.” Bahagya siyang ngumiti bago nagpatuloy. “Dito ako nagpapahinga kapag napapagod ako sa maghapon habang nakaupo sa silya at nag aanalisa ng mga reports at proposals.” Pumasok ako, at halos mapahinto ako sa nakita ko. Hindi ko in-expect na ganito ang itsura ng “secret base” niya. May mala
Last Updated : 2025-10-20 Read more