LILY'S POVKinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pinipigilan kong maiyak. Ang sarap marinig na tawagin niya ako sa pangalang iyon. Parang bumabalik ako sa nakaraan na pareho kaming masayang mag-ina.“Anak, bakit ka umiiyak?” tanong ni mama at hinawakan ang mukha ko. Hindi ko napigilang maiyak nang magbago ang emosyon sa mga mata niya. Minsan ko na lang makita iyon simula nang magkasakit siya. Madalas pa nga ay hindi niya ako kilala at naaalala.“Ma…” “Anong problema, anak? May masakit ba sa iyo?” malambing pa niyang tanong. “Miss na miss na kita, mama.” Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.“Miss na miss na rin kita, anak. Masaya ako at dinalaw mo ako ngayon. May ipapakilala sana ako sa iyo!” Napakurap ako sa gulat. “Ha? Anong ibig mong sabihin, mama? May kaibigan ka na rito?” Ngayon ko lang nakitang ganito si mama. Madalas kasi ay may sarili siyang mundo. Ang private nurse niya lang ang kasama at kausap niya. Kaya nakakapagtaka lang na may kinakausap na siyang iba. “S-Si
Terakhir Diperbarui : 2025-11-24 Baca selengkapnya