WADE'S POVNatigilan ako at agad na napatingin sa kaniya. “Excuse me? Fiancée?”Tumikhim siya. “Yes, Master Wade. Si Miss Cecilia Venjor, ang babaeng nakadinner niyo rin few months ago. Siya ang in-arranged engagement po ng pamilya niyo sa inyo. Matagal na ‘yong plano pero hindi lang natuloy kasi busy pa kayo noon. She just arrived from London this morning, at ayon sa assistant niya, may dinner po kayo mamaya sa Crown Royale, seven p.m.”Napatigil ako. “Dinner? Tonight?”“Yes, master,” sagot ni Wayne. “Confirmed na rin po ang reservation. Private room daw sa rooftop area ng Crown Royale. Sabi ng parents niya, it’s a formal dinner to reconnect.”Napailing ako saka napahawak sa aking sentido. “And no one thought to tell me sooner?”“I was about to, master,” sagot ni Wayne, halatang kinakabahan. “Kaso kahapon, nasa bahay pa kayo ni Miss Lily. Ayokong sirain ang mood niyo.”Napatingin ako sa kaniya nang mariin. “Wayne…”“Sorry, master,” sabi niya agad, parang bata na nahuli. “Pero gusto
Last Updated : 2025-10-23 Read more