"BEN, wala pa rin bang report tumgkol sa asawa ko?" tanong ko sa kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa opisina ko at pinag-uusapan ang paghahanap kay Valentina. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng pinahanap ko ang asawa ko at hanggang ngayon wala pa ring update. Walang progress. "Sorry, Bro, pero ang sabi ng private investigator wala pa siyang lead." sagot nito sa akin. "Puwede bang pagalawin mo lahat ng mga tao mo. Masyado kasing mabagal mag-trabaho. Ginagawa ba nila talaga ang trabaho nila?" galit na tanong ko habang mahigpit na naka-kuyom ang kamao. "Of course, Bro. Naka-monitor sila sa akin at ginagawa nila ang trabaho nila. Kumalma ka nga muna, Bro." wika sa akin ni Benny at tinapik ako sa balikat. "Huwag mo naman pahirapan ang mga tao ko, Bro. Tao din sila, kailangan din nila nang pahinga." "Matagal ng nawawala ang asawa ko, Bro. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Paano ako kakalma?" "Alam ko naman, Bro, pero isipin mo din na tinago siya ng pamilya niya. Ibig
最終更新日 : 2025-12-05 続きを読む