Imbes na mamimili ako kanina ay hindi ko na nagawa. Dahil sobrang late na ako nagising. Nagulat pa ako kanina pagmulat ko ng aking mga mata, wala ako sa kama kundi nasa kama ni Aekim. Hindi ko inaasahan na hahayaan niya akong makitatulog sa higaan niya. Ayaw na ayaw pa naman ni Aekim na may ibang nangingialam sa gamit nito, lalong-lalo ang higaan nito. Mas malala kapag nagdala ka nang pagkain sa higaan ni Aekim, mapa-save me, Lord, ka talaga. Kaya nagtataka ako bakit dito niya ako pinahiga. Hindi ko siya maintindihan. May time na caring and protective siya sa akin pero kadalasan, gusto niya akong patayin. May saltik na nga talaga siguro ang asawa ko. Isipin ko pa lang na asawa ko si Aekim, nawawala lahat nang stress ko sa buhay. Nawawala lahat ng hinanakit ko sa kaniya. Hayst! Love. Kahit sobrang allergic sa akin sa akin ang lalaking ‘yon, may mga bagay din siyang ginagawa para sa akin. Napahinga ako nang malalim. Dahil kay Nana at mama Lily k
Last Updated : 2025-09-30 Read more