Kinabukasan ay maagang nagtungo si Zarayah sa bahay ng kanyang mga magulang. Kagabi kasi ay may ipinadalang mensahe ang kanyang ama at pinapapunta siya dito. Gusto raw siyang makausap. Ayaw niya sanang pumunta dahil sa hindi magandang relasyon nilang dalawa. But it seems urgent. Nagtataka rin siya sa kung ano man ang sasabihin nito at ipinatawag pa siya.Naabutan niya ang kanyang ina na mag-isang nag-aagahan sa kusina. Nagulat pa ito nang makita siya."Zarayah?" anito na kunot ang noo. "Makiki-breakfast ka?"Umiling siya at lumapit dito upang humalik sa pisngi. "Good morning, mommy.""Good morning din, anak. Bakit ang aga mo naman atang bumisita?" tanong ulit ni Cristina at inasikaso ang dalaga, kumuha ng isa pang plato at nilagyan iyon ng mga pagkain.Inilibot naman ni Zarayah ang paningin sa buong kabahayan. Hindi niya makita ang pakay. Imposible naman na tulog pa ito."Nasaan po si, Dad?" "Ha?" Bahagyang natigilan si Cristina. "Maagang umalis si Gregory. Hindi nga sinabi kung saa
Huling Na-update : 2025-12-09 Magbasa pa