13 Years Later..."Daddy, please. You promised me!"Sinundan ni Isabelle ang ama na papunta sa kusina. Alam niyang pagod ito dahil galing sa trabaho pero hindi na siya makapaghintay pa. Malapit na ang enrollment kaya kailangan niyang makumbinsi ang kanyang mga magulang."Daddy! You're not listening to me," pang-aagaw niya ng pansin dito nang hindi man lang ito umimik.Mula sa iniinom na tubig ay dumako ang tingin ni Carcel sa anak na nakabusangot."Yes, darling?" Alam na niya kung ano na naman ang pakay nito. Nagmamaang-maangan lang siya."You know what it is!" Nagpapadyak na sagot ni Isabelle.Mahinang natawa si Carcel sa inaasal ng anak. Dalaga na ito ngunit kung minsan ay may pagka-asal bata pa rin."Talk to your mom."Lalong nagusot ang mukha ni Isabelle sa narinig na sagot ng ama. Kapag kinakausap niya ang Mommy niya tungkol sa hinaing niya ay ang Daddy daw niya ang kausapin niya. Parang pinagpapasahan lang siya at pinapaasa."Mommy said yes," pagsisinungaling na lang niya."I d
Read More