...."Dad, you can't be serious, right? Hindi pwedeng dito manatili si Isabelle! Why can't you just buy her a condo unit? Hindi yung ganitong makikipagsiksikan pa siya dito," pagrereklamo ni Reagan nang mapag-isa ang dalawa. Dad pa rin ang tawag niya dito lumipas man ang panahon.Sila Isabelle at Zarayah naman ay nagmemeryenda sa kusina."Nakikipagsiksikan? Your place is spacious enough for the two of you. At tsaka ayaw ni Zara na mag-condo si Isabelle at mapag-isa. Mas mabuti na ang magkasama kayo para panatag ang loob namin habang nag-aaral siya dito.""Pero, Dad—""Why? Are we disturbing your good time of taking home girls kaya ayaw mo si Isabelle dito?" pang-iinis ni Carcel sa binata. "No!" mariin na tanggi ni Reagan. Paano ba niya ipapaliwanag sa kinilalang ama ang kanyang hinaing ng hindi siya lalabas na masama? He couldn't tell them what was in his mind right now.Humalukipkip si Carcel at seryosong tinitigan ang kaharap. "Then why? Tell me the reason why Isabelle can't stay
Read more