Ang maliit na batang babae sa larawan, na may nagniningning na mga mata at mapuputing ngipin, ay nakangiti nang napakaganda… Unti-unting sumasabay ang itsura nito sa imahe ng batang babae sa mga alaala ni Ralph.Sa paglipas ng mga taon, naging malabo na ang hitsura ng bata sa isipan niya.Pero ngayon, perpekto itong tumutugma sa larawan. Isa pa, pamilyar sa kanya ang larawan… Sigurado siyang nakita na niya ito sa kung saan dati!Nang mapansin niyang nagmamasid ang mga titig ni Luna, agad na itinago ni Ralph ang kanyang phone at tumikhim, natatakot na baka maghinala ito na may hinahanap siyang ibang babae. "Uh, I...""May kailangan kang gawin, 'di ba?" Napansin ni Luna ang pagmamadali sa hitsura ni Ralph kaya pinutol na niya ito.Tumango naman si Ralph, halatang atat na atat nang kumpirmahin kung saan niya nakita ang larawan noon. "Oo, may kailangan akong asikasuhin na napaka-importante.""Then, mauna ka na," ani Luna.Nag-aalala siyang tumingin kay Nathan na nasa tabi ng babae, saka
Read more