“Yup.” Nilunok ni Luna ang lumpia sa kanyang bibig. “Isa sa mga patients ko.” Bahagya siyang ngumiti. “Masarap ba?”Tumango ang lalaki. “Yes, it’s flavorful.”Napatango naman si Luna at napakwento, “Napakabait ng matandang iyon, pero palagi siyang nag-aalala nang husto para sa apo niyang lalaki.”Nagtaas ng kilay si Hunter. “Nag-aalala nang husto?”“Oo...” Tumango si Luna. “Gusto kasi niya na makahanap na ng girlfriend ang apo niya, pero napakatahimik daw kasi nitong tao. By the way, magkasing-edad kayo ng apo niya.”Pareho silang mga lalaking papalapit na sa edad na kwarenta…Ang lalaing magka-kwarente na sa kanyang harapan ay hindi mabasa ang nasa isip niya. Matapos maubos ang lumpia, pinunasan nito ang maninipis na labi gamit ang tissue at kuryosong nagtanong, “And then?”“...” Hindi inakala ni Luna na magiging interesado ito sa gano’ng tsismis. Pero, dahil naumpisahan na niya ang pagkukwento, nagpatuloy siya, “Nabanggit ni Lola noong New Year na parang may girlfriend na raw ang ap
Read more