LOGIN“Cassie. Clara. Saan kayo galing?” bungad na tanong sa amin ni Rico nang pumasok kami ng kusina. Mukhang kanina pa siya kumakain dahil nasa kalahati na ‘yong laman ng pinggan niya at may bawas na ang kape sa tasa. Tsk. Hindi manlang siya nagtaka kung bakit wala ako sa kusina kanina. Hindi manlang niya ako hinanap.Nagkatinginan kami ng kapatid niya at pinalakihan ng mga mata ang isa’t isa. Pagkatapos ay mabilis na ibinaling ang tingin kay Rico. Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya at umupo sa tabi niya. Samantalang si Clara ay kumuha lang ng tinapay at umalis na.Bakit kaya ganito ang batas na pinatupad ni Rico sa bahay niya? Pamilya niya rin naman sila Clara. Pero bakit kailangan na wala siyang kasabay? At bakit kailangan siya ang mauna na kumain? Hindi naman siya royalty para magpakahari rito eh. “Saan ba kayo galing?” tanong niya ulit. Inabot ko ang tinapay pero mabilis niya itong kinuha at nilagay sa pinggan ko, kaya hinarap ko siya. “Nagpahangin lang sa labas,” sagot ko at kumuha ng
“Hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Rico habang nilalaro ang buhok ko.Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako, pero ayokong umalis sa kama. Gusto ko nandoon lang kami buong magdamag. Ayokong umalis sa puwesto ko. Pero itong si Rico mukhang mas gutom na sa akin. Nakailang tanong na siya sa akin eh. “Ikaw, nagugutom ka na ba?” balik kong tanong sa kaniya at nilingon siya.Nahihiya siyang ngumiti at kinamot ang ulo. Kaya naman alam ko na kung ano ang sagot ni Rico. Nagugutom na rin siya. Nakakatuwa. Ang cute niya ngayon. Unti-unti ko na talagang nakikita ang soft side niya. Pero nakakalungkot lang. Baka hanap-hanapin ko ang side niyang ito. Hindi siya showy na tao eh. “Tara na nga sa kusina baka pagalitan ako ng nanay mo kasi pinapagutom kita.”Bumangon na ako sa puwesto ko at hinila siya para tumayo na. Pero hindi siya gumalaw. Sinasadya niya yatang mahirapan ako. Ano na namang trip nito? “Rico. Ano ba? Bumangon ka na!” pikon kong sabi at muli siyang hinila, pero lalo lang siyang na
“Good morning.”Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at ang mukha ni Rico ang unang tumambad sa akin. Ang amo ng mukha niya ngayon, ibang-iba sa palagi kong nakikita sa kaniya. Umihip ba ang magandang hangin kaya mukhang good mood siya ngayon?Tapos, nagsalita pa siya ng ingles? Ito ang unang beses na nag-english siya. Hala… Baka may sumapi na mabuting espiritu sa kaniya kaya nawala ang bad boy na si Rico? O, ‘di kaya may matalinong kaluluwa ang naligaw sa katawan niya kaya nagsasalita na siya ng ingles. “Anong nangyari sa’yo?”Nilapat ko ang likod ng kamay ko sa noo niya at pinakiramdaman ang temperature sa katawan niya. Pero normal naman, wala siyang sakit.Bakit ganito? Natulog lang kami paggising ko nag-iba na si Rico! “Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong at napakunot ang noo. “Eh, kasi naman, hindi ka naman ganiyan kahapon ah. Anong nangyari sa bad boy ng Compound?” “Bad boy pala ang tingin mo sa akin?”Hala, ang bilis naman nitong magtampo. Nagdududa na talaga a
Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico simula nang umuwi kami. Kahit nga ako ay wala ring imik. Ang awkward kasi ng nangyari. Bakit kasi nahantong pa sa ganoon? Wala kaming relasyon para gawin iyon, pero kung makaasta kami para kaming mag-asawa. Nakakahiya iyon kanina, sa totoo lang. Tapos, sinabi ko pang ipagpatuloy niya? Gosh, nagmumukha akong uhaw sa s*x.Hanggang sa makapasok kami sa kaniya-kaniyang kuwarto ay wala kaming kibuan. Hindi na ako nakapagsabi ng good night sa kaniya, kasi sino ba naman ako ‘di ba? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Rico. Siguro nabigla lang siya kanina. Na-tempt lang siya na gawin iyon sa akin.Pero hindi ko maipagkakaila na nagustuhan ko ang ginawa namin. Hindi ko tuloy masabi kong
“Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya niyang ngiti. Kumalas ako sa yakapan namin ni Clara at humarap sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko sa tuwa dahil hindi ko inakalang magkikita pa kaming muli.Oo, nasaktan ako sa mga sinabi niya kay Rico. Pero hindi ko naman siya masisisi. Napamahal din siya kay Ria. Kaya naiintindihan ko na ngayon. “Mrs. Varela,” tawag ko at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap kaya lalo akong natuwa. “Masaya po akong makita ka uli.”“Mas masaya ako na makita kang muli, na ligtas at buo, anak,” ani Mrs. Varela. “Para namang hindi ninyo nakita si Sandy ng maraming taon. Huwag na kayong umiyak dahil makakasama pa natin siya nang matagal. ‘Di ba, Sandy?” singit ni Tonyo kay
“Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ako at hinila papalapit sa kaniya. Inabot niya rin ang pera kay Vito na ngayon ay nagdidiwang na dahil nasa kamay na niya ang isang bilyon.Pilit kong tinanggal ang tali sa mga kamay ko pero hindi ito makalusot. Sa inis ko ay padabog kong binaba ang mga kamay ko at masamang tiningnan si Leo. Sinalubong niya ako ng ngiti na lalong nagpainis sa akin.“Don’t worry, wifey. Ilalayo na kita sa kanilang lahat at magsisimula tayong muli.”“Rico! Sasama ako sa iyo kung kukunin mo ako!” sigaw ko habang nakatingin kay Leo na unti-unting sumama ang timpla ng mukha.Dahil sa sinabi ko ay hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. Pero hindi ako nagpatinag. Kahit saktan pa niya ako ay hindi ako sasama sa kan



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



