THIRD PERSONS P.O.VANG pinakahihintay ng lahat ng araw na iyon ay dumating na. Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Victor habang nakatayo mula sa dilim, ngunit sapat na iyon para makita niya ang reaksyon ng lahat lalong-lalo na si Marcus na noong mga oras na iyon ay hindi na maipinta ang mukha.Halatang-halata sa mukha nito ang labis na pagkagulat na akala mo ay nakakita ng isang multo. Well, sino nga ba naman ang hindi magugulat hindi ba? Ang inakala niyang patay na ng matagal ng panahon ay nakatayo sa harapan niya at buhay na buhay.Para siyang nakakita ng isang multo. Tingnan lang natin ngayon kung mabakuran mo pa si Athy ngayong bumalik na ang babaeng pinakamamahal mo Marcus.Naging malamig ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga ito. Mabuti na lang at napaniwala niya si Lily na pinabayaan siya ni Marcus, na hindi siya nito hinanap, na si Marcus mismo ang nag-utos para dakipin siya at tuluyang mawala sa landas nito. Pinuno niya ng galit ang dibdib ni Lily at alam niyang
Read more