THIRD PERSON’S P.O.VNAPAKUYOM ng mahigpit ang mga kamay ni Victor at napatagis din ang kanyang mga bagang habang nakasunod ng tingin sa papalayong sina Athy at Marcus. Kung siya lang ang tatanungin ay baka binasag na niya ang pagmumukha nito kaya nga lang ay ayaw niyang sumabog sa harap ni Athy. kailangan niyang pangalagaan ang kanyang reputasyon sa harap nito.Akala pa naman niya ay tuluyan na siyang nakahanap ng pagkakataon para makausap si Athy kaya lang ay talagang panira ng pagkakataon si Marcus. Kanina nang makita niya pa lang si Athy ay halos hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, ganun siguro talaga ang sinasabi nilang pagmamahal.Umahon ang matinding galit sa dibdib niya, kung sana ay wala lang si Marcus na panggulo ay baka tuluyan na niyang nakuha si Athy pero sa kabila ng galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay tumaas pa rin ang sulo ng labi niya para ngumiti. “Ilang araw na lang ay mawawala ka na rin sa landas ko Mar
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-05 อ่านเพิ่มเติม