ATHY’S P.O.V“ILANG taon na ba ang lumipas noong huli kong sinabi sayo na ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng nakita ko?” tanong niya sa akin. Napailing na lang ako bago siya nilingon ngunit nagulat ako nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin. Ang kanyang mga mata ay napaka-seryoso at punong-puno ng emosyon habang nakatingin sa akin.Hindi ko alam ngunit bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Ni halos hindi ako makagalaw mula sa aking kinauupuan, ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin ay parang humihigop at para akong hinihipnotismo. Parang naging napaka-tahimik ng paligid.Bigla niyang binaba ang hawak niyang baso at maging ang baso sa aking kamay ay kinuha niya. Hindi ako nakatanggi. Ilang sandali pa ay inabot niya ang aking mukha, hinaplos niya ang aking pisngi at sa simpleng haplos niya lang na iyon ay bigla na lang nagsitayuan bigla ang aking mga balahibo. Napalunok ako. Ang aking lalamunan ay parang natuyo maging ang aking bibig.Nakita ko ang pagbaba ng kanyang
Read more