THIRD PERSON P.O.VIBINABA ni Victor ang tasa sa mesa at pagkatapos ay tiningnan si Lily na nakaupo sa harapan niya. “So, sabihin mo sa akin. Nagtagumpay ka ba sa plano mo kay Marcus?” tanong niya kaagad dito.Napabuntong hininga ito at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Well, hindi naman ako pumalpak. Isa pa, hindi ako papayag na pumalpak. Alam mo naman na napakatagal ko itong hinintay diba?” balik nitong tanong sa kaniya.Napatango-tango naman siya sa sinabi nito. “Well, alam mo ba na nakasama ko rin ang asawa ni Marcus at pinalabas kong may nangyari sa aming dalawa?” natawa siya. “Kung nakita mo lang sana kung anong itsura ng mukha niya ay baka matawa ka rin. Hilarious.” nakangiting sabi niya rito.Habang inaalala niya ang mukha nito sa video call ay hindi niya pa ring maiwasang hindi matawa. Katawa-tawa ito. Hindi niya akalain na magiging ganun kagalit ito samantalang kung tutuusin, maging siya naman ay sumiping sa ibang babae.Tumaas ang sulok nito. “Really?” nasisiyahang tanong
Read more