THIRD PERSON’S P.O.VNAG-aapoy ang mga mata ni Victor habang nakaupo sa isang sulok ng kulungan. Halos masuka siya sa amoy ng selda ngunit wala siyang magawa ngayon. Hindi niya lubos akalain na mahuhuli siya at bukod pa doon ay hindi niya akalin na tatraydurin siya ni Lily. ano kayang pumasok sa isip nito para biglang magbago ang isip? O hindi naman kaya nag-usap na sila ni Marcus?Bago nila isinagawa ang plano nila ay siniguro niya munang labis ang pagkamuhi nito kay Marcus kaya naging kampante siya na magtatagumpay sila. Na makukuha niya si Athy gamit ito at ito naman ay makakapaghiganti kay Marcus. Ngunit ngayon? Ay ito mismo ang nagpahuli sa kaniya!Nagtagis ang kanyang mga bagang. Hindi ito ang bagay na ginusto niya! Hinding-hindi siya papayag na mabulok siya sa kulungan at sinisigurado niya na makakalbas siya sa kulungang ito at kapag nangyari iyon, magtago na silang lahat dahil wala siyang balak na buhayin silang lahat! Papatayin niya silang lahat!Biglang nanginig ang kanyang
Read more