MARCUS P.O.VNAPAHILOT ako sa aking sentido at napasandali sa aking kinauupuan. Napapikit ako at sa sandaling iyon ay wala akong ibang iniisip kundi tanging si Athy lamang. Sa bawat pagdaan ng araw, pakiramdam ko ay para akong nasa impyerno. Para akong isang bangkay na humihinga ngunit wala ng buhay simula ng mawala siya sa akin. Sobrang sakit, sobrang hirap.Gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang hanapin ngunit hindi ko alam kung paano ako haharap sa kaniya. Alam kong nasaktan ko siya at sa bawat pagdaan ng araw ay pinagsisisihan ko ang mga naging desisyon ko. Kung bakit mas pinili ko pa na manatili sa tabi ni Lily kaysa sa kaniya na asawa ko.Oo tama siya, tama siya nang kwestyunin niya ako tungkol sa pagmamahal ko sa kaniya dahil tama nga naman siya. Paano ko nasasabi na mahal ko siya pero nasa tabi naman ako ni Lily hindi ba? Paano ko nasasabing mahal ko siya kung palaging si Lily ang iniisip ko?Sising-sisi ako ng sobra. Gusto ko siyang hanapin dahil miss na miss ko na siya per
Read more