THIRD PERSON’S P.O.VHALOS isang linggo nang hindi mahagilap ni MAtt ang kanyang ina. Hindi niya alam kung saan ito naglalagi at hindi rin naman ito umuuwi sa bahay nila. Araw-araw niya itong hinintay hanggang sa isang hapon ay sa wakas, tuluyan na itong nagpakita.Ngunit sa halip na magalit ay awa ang naramdaman niya nang makita ang kalagayan ng kanyang ina. Napakapayat nito, ang paligid ng mga mata ay nangingitim, ang buhok ay gulo-gulo at hindi maayos ang suot na damit. Halata din ang lungkot sa kanyang mukha.“Ma, saan kayo nanggaling? Anong nangyari sayo?” kaagad niya itong sinalubong. Para itong nanghihina, ang mga paghakbang nito ay parang napakabigat.Tumingin ito sa kanyang mga mata. Parang naguguluhan. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at pagkatapos ay bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata. Nag-umpisa itong umiyak at umiling, niyakap siya ng mahigpit bago dahan-dahang naglupasay sa sahig. “Hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadya…” umiiyak na sambit nito.Napuno ng pag-aala
Read more