ATHY’S P.O.V“Mommy…”Palingon-lingon ako, ngunit wala akong makita. Mag-isa lang ako. Pauulit-ulit ang naging pagtawag sa akin, tinig iyon ng isang bata. Pauulit-ulit at halos mahilo na ako kung saan lilingon hanggang sa isang bata ang lumitaw sa aking harapan.Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, bukod pa doon ay natigilan ako dahil kamukhang-kamukha ko siya pero hindi naman siya ako. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang tumalikod sa akin at naglakad palayo.“Teka! Sandali! Saan ka pupunta?!” sigaw ko at kaagad siyang hinabol, kaya nga lang ay hindi ko siya maabutan. Napakalayo niya. Naramdaman ko na ang pagod ko sa paghabol sa kaniya ngunit hindi ko pa rin talaga siya magawang abutan.“Sandali…”“Athy…”“Athy…”Bigla kong narinig ang pagtawag na iyon sa pangalan ko, kasunod nito ay ang pagyugyog ng balikat ko. “Athy…”Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pamamasa nito, medyo malabo pa noong una ang tingin ko hanggang sa unti-unti na itong
Last Updated : 2025-12-02 Read more